Chapter 60

17.8K 170 9
                                    




Vincent sent me an e-mail of scanned receipts, the pictures of the event and a statement of accounts of all the expenses. Pati gas nya sa’kin pinasalo base sa statement of accounts na pinadala nya. Ang alam ko, kotse ko ang gamit nya ah? Sa condo ko sya nakatira at ako ang nagbabayad doon buwan-buwan hanggang ngayon.

At meron pa talaga syang ‘note’ sa ilalim.



I gave her a night to remember so it’s an expectation that I’ll be compensated with an amount I’ll never forget.




That asshole. Anong akala nya sa’kin, tatay nya? Papaampon rin sya? Parang gobyerno kung makasingil, sobra pa sa dapat na iawas. Kung tutuusin mas mayaman pa sya sa’kin pero binubuwaya ako ng gago. Bigyan ko kaya ‘to ng piso? Sigurado, hindi nito makakalimutan hanggang sa mamatay sya.

A night to remember.. Teka? Di kaya 'tong--

“Nagbabasa ng text, nasa trabaho. Anong klaseng working etiquette yan?” Pabirong puna sa’kin ni Lily habang nagsusuot ng black face mask.

Inaabangan namin ngayon ang paglabas ng subject namin sa backdoor ng isang hotel dito sa Paris. Buti na lang at nagkaroon ng party bago umalis ang subject namin dahil hindi kami makagalaw ni Lily. Dala kasi nito ang pamilya sa pagbabakasyon kasama ang anak nitong limang taong gulang. Ilang linggo na naming hinihintay kahit na umalis lang ng limang minuto sa tabi ng anak pero hindi nangyari. Madalas, nakaupo pa sa balikat nito ang anak habang naglalaro sila sa parke o kaya nakakapit ang mga maliliit na daliri nito sa kamay ng tatay habang naglalakad sa mall.

Ayoko lang na maranasan ng batang ‘yon ang naranasan ko: Ang makita duguan at unti-unting nawawalan ng buhay ang mga magulang ko.

I kept my phone inside my pocket and put on my black face mask. “Alam mo bang marunong gumawa ng Statement of Accounts si Vincent? Pati ba ‘yon pinag-aaralan sa medicine?”

“Malay mo may overview sila noong college. Alam mo naman yung si gago kapag nagmarunong, madalas tumatama pa rin.”

Sa bagay.

There were approximately five bodyguards, armed with things. Ewan ko ba kung anong dala nila, wala din naman silang magagawa sa’min. Paghatian lang namin sila ni Lily, tapos kapag tumakbo si Ramon, babarilin na lang namin.

Napasulyap ako sa suot ngayon ni Lily at napangiti. She wore a fitted black jacket with black insides and a black skinny jeans paired with black high-cut rubber shoes. Simple lang pero lakas ng dating.

She tied her hair into a bun then tinago nya loob ng beanie na suot nya. Saka nya lang napansin na nakatingin ako sa kanya kaya lumapit sya sa’kin at tinapik ang itim na cap na suot ko. “Nakatingin ka na naman,”

“Kanino pa ba ako titingin?”

Sinilip nya ang mga bodyguard na humilera sa backdoor ng hotel na sya namang labas ng subject. Wala nang senyasan, tumakbo agad kami ni Lily para guluhin ang pag-alis nila.

Nagpulasan ang kumpol ng mga bodyguards ng talunin ni Lily ang isa sa mga ito at inundayan ng saksak sa balikat gamit ang kutsilyong tinago nito sa loob ng jacket nya kanina.

Hinila ko naman ang isa sa dalawang lalaking kumubli at humila sa subject patungo sana sa kotse nito, sinapak sa panga para mawalan ng balanse at tumumba sa konkretong semento habang ang isa naman eh pinutukan ko na ng baril sa ulo para mabawasan na sila. Nakarinig ako ng ilang putok ng baril sa gawi ni Lily pero pinilit kong hindi lumingon at agad na kinuha ang baril na may silencer sa loob ng bulsa ng jacket ko saka ipinutok ng dalawang beses sa likod ng tumatakbong subject, sa parteng baga nito at sa batok.

Hindi ko na napigilang lumingon kay Lily ng sumigaw sya nang pagkalakas-lakas. “AAAAAHHH!! Don’t fucking pull my hair off, you bastard!”

Wala nang hawak na baril ang  tatlo at isa na lang ang nakikipaglaban sa kanya dahil bagsak na ang dalawa. Gumagalaw pa naman ang isa sa mga nakahandusay pero pinaputukan ko na rin sa dibdib.

Siniko ni Lily ang lalaki sa tyan para mabitiwan sya nito saka pinatid padapa sa semento. Lumapit na ako para barilin at nang hindi na pumalag ang lalaki.

Inayos naman ni Lily ang buhok nya. “Lecheng hayop ‘to, Kakapacellophane ko lang nung isang araw.”

Tumawa lang ako at ginulo ang buhok nya. Tinitigan nya naman ako ng masama. “Gusto mong magaya sa kanya, ha?”



Inakbayan ko na lang sya at bumulong sa tainga nya. "Tara na, mahuli pa tayo dito."




ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon