A/N: Salamat sa balasubas kong kaibigan na nagpahiram ng PC nila na ang monitor eh ang malaking flatscreen TV nila. Medyo sumakit ang batok ko kakatingala pero nagbunga naman. :) Readers, salamat sa moral support. Mahirap mag-UD ng walang laptop, PC o smartphone pero kakayanin. Lakas nyo sa'kin eh. Hahaha! Thankful lang ako na naghihintay pa rin kayo. Ayiiee.. :)
****************************************
Sinabihan ako ni Vincent na mamili ng lugar na susunod naming pupuntahan pero malapit lang daw dito. Ayaw na kasi nya munang lumayo dahil nga sa nangyari sa'kin pagkarating namin dito sa Rio de Janeiro. Tatlong araw lang dapat kami rito pero inabot kami ng isang linggo.
"Gusto mong pumunta sa Bermuda Triangle?"
"Mauna ka tapos balitaan mo na lang ako kapag nakabalik ka."
Tumawa sya at hinila ang kamay ko saka ikinulong sa mga palad nya.
Leche. Nangungulit na naman, kitang ilang pikit na lang tulog na 'ko. Gumaganti na naman po sya..
Kahapon bago kami umalis sa apartment, ginising ko sya at inutusang kumuha ng coke sa ref. Wala kaming coke. May espesyal na puwang yata sa utak nya ang pagsunod sa utos kaya nainis at hindi na naman nya ako pinansin.
At ito ang ganti nya ngayon, gisingin ako kapag malapit na 'kong matulog. As in ilang kurap na lang lilipad na 'ko sa dreamland.
Matapos ang insidenteng muntik nang maging kapalit ng katawang lupa ko(aftershock ng 'the boyfriend' na nagpakrus ng dalawang paa ko sa Ipanema), medyo kontrolado ko na ang reaksyon ko. Di na masyadong OA. 80 percent sparks na lang ang nararamdaman ko saka panaka-nakang ngiti. Pero syempre gusto ko pa rin ng restriction kumbaga.
Hindi ko alam na touchy palang tao si Vincent. Nagdadalawang isip na nga ako kung maniniwala ba ako sa 'NGSB' na drama nya. Kinakabahan na ako sa kanya kaya naman sinasabihan ko syang umayos. Sinusunod naman nya ako pero tinatawanan ako at tinatawag na 'boss' pagkatapos, nakakabwisit. Akala siguro nya nagpapakipot lang ako, adik sya.
Wala kasi sa kilos at ugali nya though hanggang braso ko lang naman at minsang pag-alalay sa beywang pero ewan ko. Hindi ko alam kung mali ako ng interpretation pero sa minsang tingin nya sa'kin, parang sobrang saya nya na kasama ako. Minsan naman parang sumisigaw ng 'more' ang aura nya.
Hindi ko rin maiwasang matakot dahil baka sumobra ang pagiging masaya namin at may mangyaring hindi namin magustuhan o hindi ko mapanindigan.
Isa 'yon sa mga natutunan ko sa pamumuhay nang mag-isa; walang sasalo sa consequences ng mga ginawa ko kung hindi ako lang. Kinakailangan kong mag-ingat sa lahat ng ginagawa ko dahil ako ang mahihirapan bandang huli. Sabi nga ng slogan namin noong first year sa booth namin noong foundation day, 'Prevention is better than cure'.
Alas-dose ng tanghali na kami nakarating sa Lima, Peru matapos ang anim na oras sa himpapawid. Sa airport na kami kumain ng tanghalian at naghanap ng hotel na matutulugan. Ibig sabihin saglit lang kami ulit dito.
Kinabukasan, maaga kaming umalis para sa labas kumain ng almusal at masaya akong may palengke malapit sa tinutuluyan namin. Nakakatuwa lang dahil nga Portuguese ang salita nila, may hawig ang mga pagkain, lugar at salita dito at sa Pilipinas. May tamalis din dito at chicharon ang tawag nila sa baboy na crispy ang luto. Ang kulit lang kasi pinapalaman nila sa pandesal ang 'chicharon'.