Chapter 66

17.8K 258 104
                                    




Sakit lang ng katawan ang inabot ko kakakampay sa tubig at highblood ang inabot ko kay Vincent everytime na tinatawanan nya ‘ko.

“Palakang-palaka ang langoy, wala bang mas pangit pa dyan?”

Pano’ng hindi palaka ang langoy ko, hawak nya lang ang baba ko para makahinga ako tapos bahala na ‘ko sa sarili ko. Anong klaseng pagtuturo yon?

“Ikaw lang ang nakita kong bibe na lumulubog sa tubig.”

Nang marinig ko yon, huminto na ‘ko sa paglangoy at hinayaan ko na ang sariling magpalutang-lutang sa dagat. Yaan mo nang malunod ako, wag ko lang marinig ang mga sinasabi nya.



Hinila nya naman ako sa dalawang braso, palapit sa kanya. “Pagod ka na?”



Obvious ba? Ilang oras na ‘ko nagkakakampay dito habang tinatawanan mo, hindi mo pa nahalata? O talagang ayaw mo lang pansinin? At dahil lupaypay na ‘ko, humiga na lang ako sa buhangin pagdating namin sa pangpang. Ang hudas, pinabayaan lang ako at umalis. Nakakaasar talaga.



Parang nagsisi ako na inaya ko sya kanina, tsk.



Pagpunta ‘ko sa loob ng bahay para magbanlaw, nakahanda na ang tanghalian para sa’min. Since hindi ko makita si Vincent sa labas, umakyat ako sa kwarto at nakita syang mahimbig na natutulog. Siguro yan yung kanina nya pa gustong gawin kung hindi ko sya inaya.. sana sinabi nya no? Para hindi na nya ‘ko pinagod kakalangoy.. kung langoy nga yung ginawa ko.

Nagpalit na lang ako ng damit tapos bumaba na. Baka kasi magalit pa sya kapag ginising ko sya para kumain.

Tapos ng mahaba-habang paglalaro sa buhangin at dagat, kumulimlim ang lugar at nasimulang umambon kaya nagka-ayaan nang pumasok ng bahay. Tyempo namang paakyat ako sa second floor nang makasalubong ko si Janice na parang may hinahanap na kung ano.

Akala ko papansinin nya ‘ko pero hindi nangyari kaya tinawag ko sya nang pagkalakas-lakas. “JANICE!” at agad akong tumabi sa kanya. “Si Sir Kyle ba tatay ni Ira? Hindi, di ba? Kasi sabi mo sa Australia pumunta ang tatay nya.. Eh galing UK si Sir ‘di ba? Saka sa Alabang sila Sir nakatira, sabi mo nasa Pangasinan ang tatay nya.. Galit na galit ka sa tatay ni Ira kaya malabo talagang sumama ka dito kung si Sir nga ang tatay.. Anyare?”

Imbis na sagutin nya yung tanong, sa’kin napunta. At kung gusto ko daw malaman kung ano talagang nangyari, dapat daw magkwento muna ko tungkol sa’min ni Vincent.. Anong kukwento ko? Yung kagabi tapos kinabukasan parang wala lang din?

Nakasimangot akong bumalik ng kwarto namin at nadatnan ko si Vincent na nakasandal sa headboard ng kama habang naka-stretch ang mga binti, nagbabasa ng hawak nyang libro kanina. Napatingin lang sya sa gawi ko saka bumalik ulit sa binabasang libro. Wow ah, ako na hindi mapakali kapag walang kausap, sya na mas gustong nag-iisa.

Gumapang ako sa kama at patabi sa kanya. “Vincent,”

Tutok pa rin sya sa binabasa pero sumagot naman. “Hmm?”



“Vincent..”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon