Chapter 61

19.2K 206 21
                                    

Kinabukasan ng Todos-los-Santos ako pumunta sa mausoleo para hindi na 'ko makisabay sa dagsa ng tao at syempre para hindi ko makita ang pamilya ng Tito ko. Hindi naman sa ayoko silang makita pero ayoko ng gulo. Sigurado namang papalayasin nila 'ko dito sa mausoleo.

Tapos ko ilapag ang dalawang bungkos ng lila na dala ko sa ibabaw ng puntod, kumuha ako ng tatlong tangkay dito para ilagay sa tabi ng tatlong jar na nakalagay sa itaas ng dalawang puntod dito. May nakasulat pang chinese sa dingding ng mausoleo, siguro kasabihan o ano.. hindi naman ako napasok sa chinese school. hehe.

Habang naglilinis ng mausoleo, nakapasak sa tainga ko ang earphone ko habang naghumuhini ng 'There you'll be' ng Faith Hill.

Cremated ang nanay, tatay at kuya ko ayon na rin sa kagustuhan ng lolo at lola. Unang beses ko nakita ang pamilya ng nanay pagkagising ko sa ospital matapos ang aksidente. Itinakwil kasi ang nanay ko ng pamilya nya dahil mas pinili nyang pakasalan ang tatay kong purong Pilipino. Pure chinese kasi ang nanay at ang nakakabatang kapatid nito na si Tito Ric at strikto ang mga magulang nito lalo na sa pagpili ng mapapangasawa.

Talagang nagsikap sa pagtatrabaho ang tatay ko dahil hindi naman sanay sa hirap si nanay. Sa tingin ko naman masaya si nanay kasi hindi ko naman sila nakitang nag-away ni minsan noong nabubuhay pa sila. Lagi ko pa ngang tinutulungan si nanay sa gawaing bahay noon tapos si kuya lagi lang nanonood ng TV.

Habang kinukwento sa'kin ni nanay yun dati, sinabihan nya pa 'ko na dapat hindi ako nagtatamin ng galit o inis sa ibang tao, lalo na mga taong pinapahalagahan ko. Si nanay kasi puro magagandang bagay ang sinasabi tungkol kina lolo at lola. Inalagaan daw sya ng maayos, pinag-aral sa magandang eskwelahan, naglalapag ng masasarap na pagkain..

Muli akong tinanggap sa pamilya ng nanay matapos ang aksidente at nagbuhay-reyna sa pagkupkop nila sa'kin. Oo, buhay-reyna kasi lahat ng gusto ko nakukuha ko, saka hindi rin ako pinaglilinis ng kwarto ko o kahit magtiklop ng damit. Pero isang taon mahigit lang kasi magkasunod namatay ang lolo at lola dala na rin ng sobrang katandaan kaya si Tito Ric na ang humawak sa negosyo nila, pati na rin ang lahat ng naiwan ng mga Tongco.

At sa madalas na pagkawala ni Tito Ric sa bahay, doon na 'ko inalila ng pamilya nito. Dahil wala naman daw silang makukuhang pera sa'kin, idagdag na lang daw ako sa mga katulong nila sa bahay. Mabait lang sina tita at dalawang anak nito kapag nandyan na si tito sa bahay. Hindi ko naman masabi kasi.. natatakot ako. Kaya pagdating ko ng high school, umalis na 'ko sa bahay sa sobrang hirap.

Nang matapos ako sa paglilinis, kinuha ako ang bag ko sa gilid, malapit sa gate ng mausoleo at inayos ang mga gamit ko. Pagtayo ko, isang matinis at isang malaking boses ang sumigaw kaya napasigaw din ako.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!"

Sobrang natakot ako sa sigaw na kinabahan din ako. Si Lem at Sai ang nakatayo sa labas ng mausoleo at may hawak na bulaklak at nakaharap sa mausoleo namin.

"A-Alice?!" Takang sabi ni Lem sa'kin.

"What the he--I mean, what are you doing there?" Segunda ni Sai.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon