Pagpasok ng August, nag-aayos na ako para sa requirements namin para sa Midterms at Finals. As usual, walang balak gumawa ng kahit ano si Vincent. Kasabay ng pag-aadvance reading ko (Nadala na kasi ako sa prelims, puro trabaho inaatupag ko. Nakalimutan kong nagtatrabaho pala ako para mag-aral.. Tsk.) para sa midterms, pabawas na rin nang pabawas ang oras ng shift ko sa CMAN. Sabi nung may-ari okay lang daw dahil nga kumakanta naman ako regularly. Dapat nga daw hindi na ‘ko pumapasok as waitress dun. Wala lang, extra income din naman.
Naglalakad ako sa hallway nang mapansin kong nagbubulungan sila habang nakatingin sa’kin. Biglang bumagal yung lakad ko.. Anong nangyayari?
Nahinto ako sa dalawang babaeng nagbubulungan. Huminto silang dalawa sa pag-uusap. “Tara na nga,” Saka nila ako inirapan at umalis.
Anong ginawa ko?
Halos lahat ng daanan ko, ganun ang reaksyon sa’kin. Yung ibang naglalakad napapatingin sa’kin tapos apg tumitingin na ko, umiiwas sila ng tingin.. Bakit?
Pagdating ko sa classroom, nagtinginan lahat ng kaklase ko sa’kin.. Bakit? Ang gara naman.. may dumi ba ko sa mukha?
Payuko akong pumunta sa upuan ko. Si Vincent lang ata ang hindi tumingin sa’kin kanina. Saka nagvibrate ang phone ko.
Vincent
Be careful. They already know everything about you.
Biglang ko na lang nabitawan yung phone ko.. Nanginig yung buong katawan ko sa takot. P-pa’no nangyari yon? My nakakaalam ba bukod kay Vincent? S-sino? Pa’no nya nalaman? Everything? As in hindi talaga ako mayaman? Na wala talaga akong ‘Mommy’ at ampon lang ako? Na nagtatrabaho ako sa waitress at singer sa Coffee Mornings and Acoustic Nights?
Binasa ko ulit yung text ni Vincent.
Be careful.
Anong ibig sabihin nya? Pagtingin ko kay Vincent, wala lang. Yung usual na pagtungo nya sa mesa, ganun lang. Pero feeling ko yung buong klase nakatingin sa’kin.. pakiramdam ko lahat ng tao sa classroom nakatingin sa’kin at pinag-uusapan ako.. Anong gagawin ko..Hanggang sa dumating yung Instructor namin at nagturo, gano’n pa rin yung nararamdaman ko. Kinakabahan na gusto ko nang tumakbo pauwi sa bahay.. mag self-loathe at magreflect.. Natatakot ako..
Pagtapos ng klase, pinauna ko na yung mga kaklase kong lumabas ng room.. pero pati si Vincent hindi pa rin lumalabas. Usually, sya ang pinakaunang lumalabas sa klase kapag nagring na yung bell.
Nang mawala na yung mga tao, tumayo na ‘ko at dahan-dahang lumabas ng pinto nang hilahin nya yung braso ko. Medyo nakabukas lang yung pinto at konting tulak na lang makakalabas na ‘ko. "‘Told you to be careful.”