Important A/N: Sa mga interesadong malaman kung bakit parang inactive na 'ko dito sa watty, I'm not physically well as of this moment. I put an external link if you want a more detailed explanation. Sa mga walang pakialam, 'wag nyo na basahin. Ginawa ko lang naman 'yon para sa mga taong may pakialam sa'kin.
Sa mobile users, nakadirect po ito sa Diary ko, 'Ang utak ni Erin *Pakyeah*' entitled 'Why you not active these days, Erin'. Thanks. :)
**************************************************
Gumuguhit na sakit sa batok ang gumising sa’kin. Sinubukan kong idilat ang isang mata ko.. nagulat na lang ako dahi imbis na itim na kurtina sa kwarto ni Vincent ang makita ko, beige na kurtina at puting dingding ang bumungad sa’kin. Umupo ako at inikot ng tingin ang kwartong tinutulugan ko.
Kahoy ang mesa sa tabi ng kama at sa tapat na nakadikit sa dingding.. May transparent vase sa ibabaw noon na may pebbles at gintong sanga. Bongga ang interior at king-sized ang kama na kinalalagyan ko..
Nasa’n ako?
Lumabas ako ng kwarto at malawak na living room at dining table ang nandoon, sa gilid ay may mini-kitchen at mini bar na may extended counter.. Binuksan ko ang unang pintuan na nakita ko sa tabi ng ref pero banyo ang nakita ko.
Tumakbo ako sa huling pinto sa kabilang dulo at nakahinga ako ng maluwag nang makita si Vincent na nakadapa sa kamang kapareho ng akin, may benda sa balikat.. at walang pantaas. Nagpapasalamat talaga ako na nakakumot sya from waist down kung wala man syang suot na kahit ano ngayon.
Dahan-dahan kong isinara ang pinto, saka ko lang na-appreciate ang ganda ng kwartong tinutuluyan namin. Beige, black at white ang interior tulad ng nasa kwarto. Beige ang sofa at kurtina, itim ang coffee table, counter at cabinets pero puti ang wallpaper. Ang sophisticated tignan ng lugar.
And to be fair, puno ang laman ng refrigerator. May wine pa at prutas. Naalala ko tuloy ang kwarto ni Kuya Sai noong kasal, ang pinagkaibahan lang, may pangalawang kwarto pa ‘to.
Umupo ako sa maharlikang sofa at naramdaman ang kayamanan. Binuksan ko ang flat screen TV at ipinatong ang paa ko sa coffee table like a boss.. Yan tayo eh.
________________________
Hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako sa sofa at paggising ko, nakatingin si Vincent sa’kin. Nakasalalay ang mga siko nya sa itim na counter hawak ang walang balat na mansanas sa isang kamay.
“Buti naman nakaramdam ka.”
Syempre nagpunas muna ako ng bibig, baka may bakas ng kasarapan ng tulog. “Anong oras na?” Bakit hindi nya buksan ang kurtina?
“1:48 PM. You missed the eyes.”
Madali kong pinunasan ang sulok ng mata ko at nag-inat ng bongga, saka umayos ng upo.
“Hindi ka ba sanay sa pangmayamang kama at dito ka sa sofa natulog?”“Nasa’n tayo?”