A/N: I was adviced by a friend not to do (ever again) a full english chapter. Hindi daw sya naeeksayt basahin pag ganun yung UD.. Kaya let's pacify Vincent.. Chos. haha.
Erin
*********************************************
Pagpasok ko ng tuesday, no choice. Pagpasok ko ng first subject nakatanga lang ako. Hindi naman kasi ako pwede matulog kahit gustuhin ko. Nagdodoodle na naman ako the whole time.. Pagdating ng lunch, dumiretso na ko sa library para makapagreview. Sa pinakadulong parte ng library kung saan natatabunan ng mga stante ng libro.. Sa tapat ng bintana kung saan may magandang scenery sa labas no’n.
Mabilis lang naman ako kumain kaya mamayang last 10 minutes na ko bababa.
Pagdating ko sa paborito kong lugar.. Nabadtrip.
Wala bang sariling lugar tong lalaking 'to at pati peborit place ko kinakamkam? Nakatungo na naman sya dun, mukhang natutulog. Sa pinakalugar pa kung saan talaga ako umupupo since first year ako. Medyo tago kasi dun dahil wala masyadong pumupunta sa likod ng library.. Kaasar..
Nilapag ko yung bag ko sa table saka umupo sa tabi nya. Kagabi nagdesisyon na ko na hindi na ko matatakot sa kanya.. Nagdesisyon talaga?
Kasi naman kung papabayaan ko yung sarili ko na matakot sa kanya, kakainin na lang ako ng takot forever.. Saka sa kanya na rin nanggaling.. nananakit lang sya kapag binabayaran. Isa pa, nakakahalata na rin ako dito sa lalaking to. kahit saan ako pumunta, nakikita ko sya. Para syang kabute.. Kabute everywhere.Parang... may gusto kaya sya sa’kin?
I poked his arm.. “Hoy.. Pano mo nalaman ‘tong lugar na to?”
Hindi pa rin sya gumigising. “Hoy.. Bakit parati kitang nakikita, ha?”
“...”
“Sinusundan mo talaga ako no?”
“..”
“May gusto ka ba sa’kin?”
Bigla syang napabangon tapos tinignan ako ng ‘Are-you-kidding-me’ look. Umayos naman ako ng upo.. “K-kasi lagi nga kitang nakikita.. parang..”
“Guni-guni mo lang yon.” Tapos yumuko na ulit sya sa mesa.
I poked his arm again. “Hoy, pinapaalis nga pala kita dito, lugar ko ‘to.”
“Sino may sabi?”
“Simula first year ako nandito na ko no, umalis ka dyan..” Tinulak ko sya. “Ako dyan..” Sinasayang nya yung scenery sa bintana.. Nakatungo lang naman sya e.. “Alis dyan.. Private space ko ‘to..”
“Bakit may pangalan mo?” pero nakatungo pa rin sya sa mesa.
Bigla akong napatigil. Oo nga no? Kumuha ko ng pentel pen tapos tumayo. Sinulatan ko yung likod ng sandalan upuan nya ng pangalan ko.
ALICE SEVILLA
Tinulak ko ulit sya. “May pangalan ko na, umalis ka na dyan.” Ang bagal talaga ng pagkakabangon nya tapos sinilip yung likod na parte ng sandalan ng upuan nya..
“Nagbibiro lang ako.” Parang hindi talaga sya makapaniwalang sinulatan ko yung upuan.. at slow motion talaga yung tingin nya simula sa likod ng upuan papunta sakin tapos.. “Lagot ka..” Raising his index finger at me.