Papunta kami ngayon kila Janice dahil nag-aya sya na gumawa kami ng term paper ng sabay-sabay. Mas okay din para sa’kin na may kasama akong gumagawa dahil madalas inaantok ako sa pagta-type. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ni Vincent sa bahay nila Janice dahil hindi nga gumagawa yan ng kahit ano.
Paghinto ng motor sa tapat ng apartment ni Janice, sinalubong agad kami ng huli. “Pasok.”
Nauna na kong pumasok sa loob tapos iabot sa’kin ni Vincent ang bagpack ko nang marinig kong nagpaalam ang huli. “I’ve got things to do.”
“Sa’n ka pupunta? Hindi ka gagawa ng term paper?” Tanong ni Janice.
“I invited someone for a coffee tonight so I’ll pass.”
Napalingon naman ako kay Vincent sa gulat pero tutok na tutok ang tingin nya kay Janice kaya tumalikod ako sa kanila at umupo sa sofa ni Janice.
Alam ko na kung sino ang kasama nya.. Wala naman kasi syang sinabi na ihahatid nya lang ako dito tapos aalis na sya, dapat pala nagcommute na lang ako. Ano ba kasi 'tong mabigat sa dibdib ko? Hollowblock ba to na automatic na nalalaglag kapag nalalaman kong magkasama sila ni Denise? Akala ko ba si Janice ang gusto nya? Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Palipat-lipat ng kampo, hindi mapirmi sa isang babae? Ubos na ba ang mga faithful na lalaki ngayon?
Narinig kong tumawa si Janice sa sinabi ni Vncent. “Coffee tapos gabi? Puyatan ba yan? Sana hindi kape ang binili mo para sa kanya.”
Tumawa lang si Vincent. Hindi ko magets kung bakit sila nagtatawanan. Sa bagay, lagi naman.
“Yung totoo Vincent? Coffee talaga?”
“Yup, pure coffee.”
“Pure coffee ha? Selosa ako.”
Lalo pang tumawa si Vincent.
“Oh sige na nga, enjoy.”
Hindi ko akalaing tatawagin ako ni Vincent bago umalis. “Alice, dito ka ba matutulog o susunduin pa kita?”
“Sige, dito na lang ako matutulog.” Baka pag nakita ko syang nakangiti pag-uwi nya, tegibangbang na abot ko. Lumingon ako kay Janice na hanggang sa kanya lang, ayoko talagang makita yung lalaking yon. Nakakaasar sya. “Okay lang ba, Janice?”
“Oo naman! Para ka namang others. May extra shirts at undergarments ako dito.”
Nang umalis si Vincent, umupo si Janice sa tabi ko. “Bakit nakabusangot ka dyan? Nag-away ba kayo? Ayokong tawaging L.Q. yan, hindi pwede. Kakasabi ko lang na selosa ako.”Hinalungkat ko na lang yung bag ko para matago yung itsura ko. “Hindi no, wala lang ako sa mood. Hindi pa ‘ko kumakain.”