Dalawang araw na kami ni Lily dito sa Maldives para matyagan yung second subject namin. Nandito kami ngayon counter ng isang bar..
Arnulfo De Los Reyes.
K.L.D Partnership Ltd.
Location:Kurumba Luxury Resort - Maldives
Royal Kurumba Residence – 768 sq. m.
Saka mapa ng Royal Kurumba Residence.
I have them memorized pati na rin yung vicinity ng kinalalagyan ng resort para na rin sa safety ni Lily. Since sya ang gagalaw sa’ming dalawa at back-up lang ako.
Bakit dalawa kaming gagawa? Maraming bodyguards..
Sa sobrang dami nila, yung sampung nasa labas ng bar e nagpaparty party na din. Medyo bigtime yung mga assignments namin kaya dalawa kami at pangalawa pa lang ‘to. May lima pa kaya hindi pa kami makakabalik sa Pinas anytime soon.
Inilapag ni Lily ang iniinom saka tumayo. “I’m going.” Naglakad sya papunta sa subject namin. She’s wearing shorts and.. yeah, she rocked it. Ngumiti sya sa subject namin at.. lumingon na 'ko sa ibang lugar. Maasar lang ako sa makikita ko and besides, she could take care of herself if something happens.
Kasabay ng iba’t ibang kulay ng ilaw na umiikot sa lugar, syempre silip silip din sa mga girls pag may time. Kaya gustong gusto ko sa bar, ang dami kong nakikita. Lahat nakaminiskirt.. yung isa nakaswimsuit pa hanggang ngayon. Yung iba halatang lasing na dahil nakalean na sila sa kasayaw.. Ang hindi ko alam e kung kilala ba nila yung kasayaw nila.
Gusto ko mang makisali sa kasiyahan.. Hindi pwede.
After five minutes, lumingon ako sa gawi ni Lily..
Napakunot yung noo ko. Biglang nag-init yung buong pagkatao ko sa sobrang asar. Kahit mukhang palaka malnourished na hindi na aabot sa pangpang yung itsura nya, naaasar pa rin ako..
Trabaho lang..
TRABAHO..
Andrew, tangina. Kumalma ka. Hindi papatulan ni Lily yung itsurang ganyan.
BWAKANANGSHET NAMAN KASI. SINONG HINDI MAAASAR SA POSISYON NILA?
Gusto kong pilipitin yung kamay nung gago na nakakapit ng mahigpit sa beywang ni Lily.. Ito naman si Lily kung makadikit sa subject namin parang magkakilala na sila simula nang maging homo erectus hanggang naging homo sapiens 'tong hayop na 'to... Babaliin ko lang yung buto nung subject namin sa braso, tangina nya. Papasign up ko lang yung kaluluwa nito sa impyerno.