Chapter 6

30.5K 346 20
                                    

A/N: Napagkasunduan namin nina Wyngardium_leviosa at Hunnydew na gumawa ng collaboration kung saan pinagtagpo-tagpo namin ang mga characters namin.. Although naging magkamag-anak yung characters nila and due to some reasons hindi ako pwedeng makiapid dahil nga mga yagit 'tong characters ko.. HAHAHA. :))

Check their story on their profile guys, nakakabaliw basahin yang mga yan. Tawa-asar ako dyan. Hahaha. XD

Wyngardium_leviosa -- The Proxy Wife 

Hunnydew -- Head on Collision

Isa sa kinanta ni Alice, Loving you sa gilid. ------------->>

 Saka yung picture nya suot yung black longsleeved dress while performing.. :)

Erin★

*****************************************

Saturday.

Naglilinis ako ng mga instruments dito sa coffee shop. Yung may-ari kasi gustong gawing acoustic bar ‘to pag gabi para mas makahatak ng tao. Since 4PM pa lang, inaayos na yung set-up para sa unang set ng songs.

Hay.. next Saturday na yung slumber party..

Pwede ba magrent ng isang araw sa condo?

Magkano kaya?

Hindi naman siguro masyadong mahal kapag ganun.

Baka mamulubi ako..

Ginulat naman ako ng isang malakas na tunog ng drums mula sa likod ko. “AY PULUBI!”

“So, pulubi pa ‘ko.” Paglingon ko, si Elise ang nakaupo sa harap ng four-piece drumset. Waitress din sya sa coffeeshop katulad ko. Dalawa kaming naatasang mag-ayos ng mga instrumento.. Dumating kasi yung four-piece drumset, isang acoustic, isang electric at bass guitar na pinadeliver ng amo namin kanina..

“Nagddrums ka?”

“Drummer ako sa banda dati.”

WOW! “Talaga?”

“Kakasabi ko lang di ba?”

Napasimangot ako. “Ayy.. Nakakaasar ka rin.”

Tumawa naman si Elise.. “So.. ikaw? Any instruments?”

“Just the guitar. Kinakantahan ko yung mga pinggan.” Sagot ko.

Tumawa lang sya tapos tumugtong sya ng basic beat.. “Okay ‘to a, bago?”

“Di ba nakita mo namang kararating lang nyan?”

Ako naman ang tumawa at napangiti lang sya.. “Karma was really fast.” Saka kami nagtawanan.

Tapos naming ayusin at linisin ang mga instrumentong dumating, nagserve na ulit kami sa coffee shop.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon