Chapter 90

8.1K 266 66
                                    

A/N: Readers be like, 'Namamalik-mata ba ko?'


Hindi, chapter 90 talaga 'to ng Viper. Fuck everything, I'mma update this shit. Kunwari masipag. hahaha! 10 chapters to go, matatapos na 'to! YEHEY! Yun lang baka matagalan ako sa next chapter. Need lots of patience on this one.. :3



***********************************






Hindi ko alam kung papaano ako nakatulog pero alam na alam ko kung papaano ako nagising..



Nakaamoy ako ng bacon.

BACON.. BACON!



Nakaramdam ako ng mahinang pagyugyog sa braso ko. "Alice? Breakfast is here-well, late breakfast-it's 10 in the morning. Kailangan na nating pumunta ng airport."


Hindi pa 'ko dumidilat pero kailangan ko na agad magdesisyon ngayong araw. Babangon ba 'ko?



Para kanino ka bumabangon?

Para sa bacon. With conviction and determination.



"Hinihintay pa naman kita," sabay bukas ng kurtina sa bintana kaya nasilaw ako ng bongga. Natatandaan ko kagabi, nakaharap ako sa bintana dahil ayokong makita ang banyo. Isinumpa ko na ang lugar na 'yon pati ang kasama ko.


Pero kahit hindi ako nasilaw, muntik na talaga akong mapadilat sa sinabi nyang 'yon.



Hinihintay pa naman kita.



Umupo na 'ko sa kama at kinusot ang kanang mata ko. Tama, hindi pagkain ang basehan ng paninindigan. Kakain pa rin ko kahit galit ako sa kanya. Kahit na ang galing ko mag-english.


Hindi nagtagal, tumayo na rin ako at nagpunta sa banyo para magsipilyo. Tumalikod ako sa toilet bowl para sana umupo nang tamaan ako ng sinag ng araw simula ulo hanggang binti..


Sa sobrang inis ko, hindi ko napigilang magpapadyak sa kinatatayuan ko bago ako pumunta shower.


Lahat na lang nakakainis. Kahapon pa ata ako sinusumpa ng mundo.


"Mamaya ka na maligo, Alice."


Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ko sa paliligo, bahala siyang maghintay sa'kin for a change. Nagpalit lang ako ng panloob at t-shirt pero parehong pants pa rin ang gamit ko.


Paglabas ko, napatingin siya sa'kin at.. patapos na siyang kumain.


ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon