Chapter 68

16.2K 195 20
                                    





Ilang linggo ang nakaraan at patuloy pa rin ako sa pag-iwas kay Vincent. Minsan pinagtritripan pa rin nya 'ko pero hindi ko na masyadong pinapansin. Ayoko isipin na yung pang-aasar nya sa'kin eh paraan lang nya para 'magpapansin', ina-assume ko na naman ang lahat. Eto na naman ako.


Naglalakad kami pauwi galing sa school nang bigla nya na lang akong tanungin. "Are you okay?"

 

Tumango lang ako ng isang beses.

 

"Something's different." Dugtong pa nya.

 

"Guni-guni mo lang yon." matabang kong sagot.

 

"May sakit ka ba?"

 

Akma nyang sasalatin ang noo ko pero ako na ang umiwas. "Wala nga akong sakit." Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad pero pumunta ulit sya sa gilid ko.

"Bakit mo 'ko iniiwasan?"

Gusto ko talaga syang suntukin para lang maramdaman nya kung ga'no ako nasasaktan sa ginagawa nya. Upod na upod na ang pasensya 'ko kaya tumigil ako sa paglalakad para marinig nya 'ko. "Wala, nagsawa lang akong maging tanga."

 

"What?" Halatang naguluhan sya sa sinabi ko.

 

Sinusubukan kong wag tumulo ang mga luha ko nang tumitig ako sa kanya. "Tama na, ayoko nang makipaglaro."

 

Humakbang sya ng isang beses papunta sa'kin kaya napasigaw ako. "DYAN KA LANG!"

 

Huminto naman sya sa kinatatayuan nya. "Ano ba? Nag-o-overreact ka na naman,"

 

"WOW!" Hindi ko maiwasang mamangha sa sinabi nya. "Overreact? Na naman? Alam mo ba kung anong sinasabi mo?"

 

"Pa'no ko malalaman kung hindi mo sasabihin?"

 

Humugot ako ng malalim na buntong hininga para makontrol ang emosyon ko pero inilihis ko na ang tingin ko kasi feeling ko walang nangyayari, asar na asar pa rin ako sa kanya. "Alam mo, hindi na talaga kita maintindihan. Minsan may gagawin ka na.. tapos kinabukasan parang wala lang.. parang walang nangyari.. Tapos itatanong ko sa sarili ko kung ano yon, pero hindi pala dapat ako yung sumasagot, ikaw. Kaso nga wala ka namang sinasabi kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung saan ako lulugar.. Pakiramdam ko pinapaasa ko ang sarili ko sa wala. Nasasaktan ako, Vincent. Yun lang, kaya ako lumalayo."

 

"It wasn't my intention! I—"

 

"Alam ko! Kaya nga ako na ang lumalayo.." Lunok pa, Alice. Hindi ka iiyak sa harap nya. "Bumalik na lang tayo sa dati, okay ba 'yon? Yung hindi mo 'ko pinapansin, hindi mo 'ko kinakausap.. Sorry kung naging makulit ako noon.. hindi ko na uulitin yon, pramis." Saka ako tumalikod at lumakad paalis pero tinawag nya 'ko.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon