A/N: Sasabihin ko lang na lalagpas ako ng 100 chapters dahil nahati ko yung isang chapter. Tinanggap ko na gabi pa. Pero ayon, sana magkasya ko pa rin. Na-O-OC pa rin ako.. Medyo sad.
*************************************************************
Disneyland!
Kaso malayo pa raw yung pinakamalapit na branch kaya dito na lang kami sa San Diego, California.
Simula sa Peru, pumasok kami ng Mexico sakay ng eroplano at kulang isang linggo kaming walang pahinga na naglakbay papunta sa Baja California para makatawid papunta dito. Tatlong beses ko ring nakita si Aspen na dumadaan.. hindi ko alam kung bumibilis na ang mata ko o talagang sinasadya nyang magpakita sa'kin.
Pero ako lang yata ang nakakaramdam ng lamig dito. Habang naglalakad kami papunta sa hotel na tutuluyan namin, ako lang ang nakasuot ng jacket. Lahat ng nakakasalubong namin ay sando o T-shirt ang suot o hindi naman kaya ay nakashades..
I-push ang lamigin. Go.
One thing na napansin ko, may lawn sa halos lahat ng bahay na nadaanan namin. Ang aliwalas tignan. Malalawak din ang mga kalsada dito at kung uso man ang traffic, hindi inaabot ng oras.
Nag-stay kami sa isang Inn dito, malapit sa mga pwedeng puntahan habang nandito kami. Unang pasok ko pa lang sa lobby, napangiti agad ako dahil sa dami ng buhay na halaman na bumungad sa'min. Dilaw ang dingding at wood ang sahig kaya parang ang homey ng ambiance.
Welcoming ang mga staff at hindi kami nakakuha ng tingin na 'Kaya bang magbayad nito?' o kaya 'Bata pa 'to, bakit sila mag-hohotel?'. May mga staff pa na bara-bara ang treatment sa'min sa mga past hotels na natuluyan namin.. siguro nga dahil bata pa kami. As usual, walang paki ang kasama ko.
Sana naman tignan nila yung bigger picture bago manghusga. Hindi lahat ng bata kapag nag-hotel ibig sabihin may gagawin na bawal; Yung iba kailangan lang talaga ng matutulugan. Hindi lahat ng bata, walang sariling pera. Yung iba kayang magbayad kahit walang guardian.
Anyway, dalawang kama sa isang kwarto ang nakuha namin dito. Simple lang ang disenyo ng kwarto pero mas komportable ako dito kaysa doon sa mga five-star hotel na luxurious masyado. Cream ang dingding pero wooden lahat ng furnitures, pati kama. Sakto lang ang space para sa'ming dalawa at bonus pa ang bintana na nakaharap sa kalsada dahil makakakita ako ng mga taong naglalakad paggising ko sa umaga at syempre ang pagpasok ng sinag ng araw dito sa'min.
Sa pangalawang araw namin dito sa San Diego, naalimpungatan ako sa yugyog sa bandang
braso ko kaya pilit kong tinanggal ang kamay doon. Hinila ko pa ang kumot sa beywang ko pataas sa balikat saka tumalikod sa kanya. Akala ko nilubayan na 'ko pero nanlaki ang mga mata ko nang may humawak sa buong mukha ko, pinisil ang magkabilang pisngi ko kaya nagpout ang lips ko.
"Hoy, gumising ka na. Alas kwartro na ng hapon, nagugutom na 'ko."
Kinapitan ko ang pulsuhan nya para bumitaw pero ang leche, winagwag pa ang mukha ko. "Araaay!"
"Tapos magagalit kapag hindi nasabayan kumain. Makasarili na naman ako. Sino kaya ang selfish sa'ting dalawa?"
"Bitawan mo 'ko.."
Ginawa naman nya. Umikot ulit ako sa kabilang side. Pumikit. "Teka, gigisingin ko lang ang sarili ko.."
Bigla akong hinila sa braso paupo ng kama. Para naman akong lantang gulay at nagbabadyang humiga kaya umupo siya sa likod ko at isinandal ako sa dibdib niya. Hindi ko napigilang ngumiti at binuksan ang isang mata ko sa lakas ng mga galawan niya. Sa sobrang lakas mapapakanta ka talaga ng, "Para-paraan ang pagkakataon.."