Chapter 78

10.9K 248 49
                                    

Hindi ko alam kung anong kagaguhan ang naisip ko't umalis ako sa Venice ng hindi kasama si Lily. Pagsakay ko pa lang ng eroplano, saka ko na-realize lahat. Hindi ko tuloy alam kung pa'no ko ihaharap ang sarili ko sa kanya.

Nakainom talaga ako nung gabing yon pero hindi ako lasing, buti na lang. Ayoko maging blurred ang nangyari sa alaala ko dahil kahit bakla hindi magsisisi do'n. Hind naman sa nagsisisi, masaya nga ako kasi dati pinapangarap ko lang sya tapos.. 

Ang totoo nyan, natakot talaga ako kaya nawala ako sa sarili ko pagkagising. Natakot sa posibilidad at komplikasyon ng nangyari sa'min. Lahat na yata ng masamang sitwasyon, naisip ko.

Pa'no kapag nakumpirma ng ORG na nay narararandaman ako para kay Lily? Ano nang mangyayari sa kanya? Ang kapatid ko? Hindi ko kayang hatiin ang katawan ko para lang sagipin si Lily mula sa rules ng ORG habang hawak nila sa leeg si Alice. At kahit na kausapin ko pa si Vincent tungkol sa lahat ng nangyari, mas mananaig pa rin ang loyalty nya sa ORG. Ayaw nya lang aminin pero isa sya sa pinakamatibay na puppet ng ama-amahan nya. Kaibigan ang turing nya sa'kin pero mas susundin pa rin nya ang ORG once na inutos nilang patayin kaming tatlo.

Kaya ko syang labanan pero kahit kailan hindi ko pa sya natatalo o napapabagsak sa sahig. Masyadong mabilis ang mga galaw nya kaya bago ko pa man sya masuntok, nakadapa na 'ko sa lupa.

This is the advantage of having your enemies closer. It's not that I saw Vincent as an enemy, but it's better if I'd give a benefit of doubt. Just in case.

  

"Ace!"

Napalingon ako kay Sir George na tumawag sa'kin bago pa 'ko makarating sa elevator ng headquarters. Kararating ko lang galing sa huling misyon at nagreport kay Sir Henry.

Ngumiti naman ako at yumuko ng bahagya; tanda ng respeto. Sinenyasan nya 'ko na pumasok sa office nya at ginawa ko naman 'yon.

"Kamusta ang trabaho?" tanong nya nang makaupo ako sa couch.

"Katatapos lang. Medyo mahirap pero nakaya naman." Pilit kong inaalis sa isip ko ang mga nangyari noong huling gabi ko sa Venice, para sa ikatatahimik ng lahat.

"I heard you got Viper to guard your sister."

Aaminin ko, medyo nagulat ako sa sinabi ni Sir George dahil ang alam ko, kaming dalawa lang ni Sir Henry ang nakakaalam ng tungkol sa kapatid ko. Baka si Vincent ang nagsabi, hindi ko pa naman nasabihan yon na hindi alam ni Sir George.

"For safety reasons." matipid kong sagot.

Tinitigan nya 'ko nang matagal na tila ba ang dami nyang gustong sabihin pero isang pangungusap lang ang lumabas sa bibig nya. "Save your sister, Ace."

Medyo naguluhan ako sa sinabi nya kaya siguro nagpatuloy sya sa pagsasalita. "I've been watching Viper and.. mukhang sumusunod sya sa yapak ni Bullet."

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. "ANO?"

"Parang hindi na normal ang pagiging malapit ng kapatid at ng kaibigan mo."

"Si Viper?" Hindi rumerehistro sa utak ko ang mga sinasabi nya. Pa'no mangyayari 'yon? Imposible. Si Vincent? Kahit yata ilublob mo yon sa kumukulong lava galing impyerno, hindi pa rin mangyayari ang sinasabi nya. Oo, alam kong tao lang din sya at pwedeng magkagusto sa babae pero iba kasi tipo ng lalaking yon.

Yung magaling magdala ng sarili. May personality na kayang mag-withstand sa kanya.. Nawawalan kasi ng gana si Vincent sa isang bagay na kaya nyang paikutin sa palad nya. At parang hindi ang kapatid ko ang taong gugustuhin nya. Gullible kasi si Alice at maingay kaya alam kong maasar lang si Vincent sa kanya.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon