Chapter 67

16K 185 33
                                    

A/N: Sa pupunta daw po sa burol ng puso ni Alice, maari lamang na maglista ng pangalan sa guest book dahil may raffle pong magaganap. Kung sino mabunot, sya na po ang susunod. At dahil promo to, may free na isang box ng Zesto at isang box ng cheesecake para sa mananalo. CHOS! HAHAHA!

*********************************** 





Nagulat ako nang tawagan ako ni Ate Lem ilang oras matapos kaming makauwi galing ng Palawan. Tinatanong nya rin ako kung pwede muna sya magpalipas ng isang linggo dito sa apartment habang naghahanap sya ng lugar na paglilipatan. Umoo naman agad ako at tinanong kung bakit sya umalis sa bahay ni Kuya Sai pero ayaw nyang magkwento kaya pinabayaan ko lang.

 

Tapos magluto ng nilaga, hinintay ko si Ate sa baba ng apartment namin at pagdating nya, tinulungan ko syang iakyat ang mga bag nya hanggang makarating kami sa kwarto ko. “Nako, pagpasensyahan mo na ‘tong kwarto ko, ha? Pero kasya naman tayo dito.”

 

Ngumiti naman sya sa’kin at inilapag sa gilid ang bag na dala nya. “Ano ka ba, ako nga ang nag-i-intrude eh. Di naman ako pihikan sa bahay. Basta may tutulugan. Salamat talaga ah. Pramis, one week lang. Biglaan kasi eh.”

 

“Wala yon, pwede ka namang magtagal dito.” Kung pwede lang, dito na lang si Ate. Siguro mas masaya yon.

 

Pumunta ako sa kusina at sinilip ang niluluto ko. “Ate, kumain ka na ba? Nagluto na ‘ko ng hapunan.”

 

“Sige, sabayan na kita. Si Vincent ba? Hindi mo aayain?”

 

“Kaya na nyan sarili nya.” sagot ko. Nakaupo lang naman sya dyan sa gilid, hindi ko na sya kailangang intindihin pa.

 

“Anyare naman sa inyo?” Tanong ulit ni Ate pero kunwari hindi ko na lang narinig dahil busy ako sa paghahanda ng hapunan.

 

Simula nang umuwi kami, hindi ko na masyadong kinakausap si Vincent. Gusto ko na talaga ilayo ang sarili ko sa kanya para hindi na ko masaktan pero nahihirapan ako kasi lagi ko syang kasama. Kapag kinakausap nya ‘ko, oo o hindi lang ang sinasabi ko. Minsan nag-iisip na ‘ko ng paraan para mas mapaiksi pa ang mga sinasabi ko sa kanya para wala na agad, tapos na usapan.

 

Inilapag ko ang ulam, kanin at dalawang pinggan sa malit namesang nakalatag sa harap ni Ate Lem. “Eto na.”

 

“Kain tayo, Vincent.” Aya ni Ate.

 

“Sige lang, busog pa ‘ko.” sagot naman nya saka lumabas ng apartment ko.

 

“Buti binisita ka pa kahit halatang may LQ kayo?”

 

“Kailangan lang talaga nyang pumunta dito kaya ganyan yan.” Hindi ko na tinama yung LQ, wala rin namang mangyayari. Nagsalok na lang ako ng nilaga sa tasa saka ibinigay kay Ate. “Eto Ate oh, gulay pa.” saka lang ako sumubo ng kanin ko.

 

Inabot ni Ate ang tasa at nagpasalamat. “Ahh… tapatin mo nga ako… live-in ba kayo?”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon