Chapter 82

8.9K 237 23
                                    

Bumalik nga si Vincent noong araw na yon. Ine-expect ko na kasi hindi na sya babalik.

Di ba kaya lang naman sya nasa tabi ko dahil wala ang nag-ampon sa’kin para tignan ako, di ba? Ngayong nandyan na si ate Lily, wala na rin syang dahilan para magpakita sa’kin. Tapos na ang trabaho nya..

Pero bakit nakalipas na ang limang na araw, hindi pa rin sya umaalis?

Hindi naman sa pinapaalis ko sya.. hindi ko lang sya makitaan ng dahilan para samahan ako sa lahat ng lakad ko. Katulad ngayon, nagrereview ako ngayon sa bahay pero nandito pa rin sya. Walang ginagawa kundi nagbabasa ng libro malapit sa ref. Technique nya yon para kapag nagutom sya, maabot nya agad yung pagkain.

“Vincent, ano nga ba ulit yung muscle sa leeg?”

Tagos ang tingin nya sa’kin na parang naghahalungkat sya sa loob ng utak nya. “Used to rotate your head and such?”

Tumango ako sa kanya. “Oo, yung pares? Nakakonekta sa clavicle..”

Pumikit sya saglit at tumingin ulit sa binabasa bago sumagot. “Sternocleidomastoid muscle.”

“Salamat, eh yung artery na--”

“Occipital artery and the superior thyroid artery.”

“Salamat ulit.”

Medyo okay na yung pasa at sugat nya sa buong katawan. Akala ko nga nung una sa mukha lang, meron pa pala sya sa bandang hita, balikat at braso. Tinatanong ko sya kung saan nya nakuha ‘yon at parang nabugbog sya nang todo pero ang sabi nya nalaglag daw sya sa hagdan, una mukha.

Obvious naman na nagbibiro lang sya dahil sarcastic ang pagkakasabi nya, saka pwede ba ‘yon? Kung ako yon, baka pwede pang mangyari.

Sa totoo lang, gumawa lang naman talaga ako ng paraan para makipag-usap sa kanya. Ewan ko, kasi naman hindi kami masyadong nag-uusap nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung hindi nya lang talaga ako pinapansin o talagang wala na syang pakialam sa'kin. Hindi naman sya galit sa'kin kasi kinakausap naman nya 'ko.. Hindi ko na alam kung anong problema sa'min.

Mas okay pa rin pala na inaaway nya 'ko kaysa sa ganito, walang kibuan.

Sinara ko ang librong binabasa ko kunwari dahil kanina pa naman lumilipad ang utak ko sa mga tanong na hindi ko kayang sabihin. “Wag ka sanang magagalit pero.. may tanong ako ulit.”

“Natanong mo na ba yan?”

“Hindi pa.”

“Go.”

Alice, kaya mo yan okay? Hinga malalim bebe. “Bakit mo pa ‘ko sinasamahan?”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon