Dumaan ang mga linggo ng walang problema. Naaawa na talaga ako kay Vincent lalo na sa gabi kaya hindi na rin ako nakakasabay sa paglalunch kila Janice tuwing tuesday at thursday. Tumatambay na lang ako sa library dala ang limang sandwich na hinanda ko bago pumasok. Tatlo sa kanya, dalawa sa’kin. Wala pang 10 minutes, tapos na nyang kainin yung sandwich tapos yuyuko na sya sa table para matulog. HIndi na rin namin napag-usapan tungkol sa kung anong nangyari noong pumunta kami sa MOA, pati na rin ang Tita nya. Kapag kasi nababanggit ko, nagsusungit na naman sya saka umiiwas sa usapan.
Ayaw nya bang makita ang nanay nya?
Pagdating ko ng CMAN, ipinatawag ako ni Mr. Marthens. May nagpabook pala sa kin para kumanta sa isang debut. Sayang hindi ko mararanasan.. pero okay na din, gastos lang naman yun. Saka sino naman ang magiging 18 roses? Tapos malaman ng lahat ang totoo, wala na yung mga nagpapalipad hangin. Naging nomads na ko. lalo naman yung 18 candles at 18 gifts.
Si Elise.. Ate Kara.. Ate Mars.. Lem.. Sai.. Janice.. Avery.. Zeke.. Vincent.
Wala na. Rotation mangyayari. Ilang message ang ibibigay nila tapos paulit-ulit kaya okay na rin to, magpapakain na lang ako. October mangyayari yung debut kaya siguro days after na lang ng trabaho ako magpapakain. Isasakto ko rin bago magfinals kasi sabi ni Vincent aalis na daw sya..
Pag-naiisip ko.. parang ang bigat sa dibdib. Sabi nya nakahanap na daw yung mag-aampon sa’kin ng kapalit nya dahil may aasikasuhin pa sya bago umalis pabalik ng England.. Siguro tungkol sa tita nya.
“This will be your schedule.” Inilapag ni Mr. Marthens ang papel sa harap ko.
September 28 - Body measurements and venue practice
Location: House of Rajo Laurel / The Bellevue Manila
Assembly time: 3 PM at Rajo's and 2PM at Bellevue
October 7 - Dress fitting
Location: House of Rajo Laurel
Assembly time: 10 AM
October 12 - Photoshoot with Debutant
Location: Ariel Chua Photography & Videography
Assembly time: 8 AM
October 20 - Debut proper
Location: The Bellevue Manila
Assembly time: 3PM
HOUSE OF RAJO LAUREL? THE BELLEVUE MANILA?