Chapter 79

10.7K 233 50
                                    

Nang makita ni Janice si Vincent na naghihintay tapos ng huling klase namin, buong lakas nya ‘kong hinila papunta sa likod nya at huminto sa gitna ng pasilyo ng eskwelahan. Pati si Avery at Zeke napahinto rin sa paglalakad at halatang nagulat nang makitang papalapit na si Vincent sa kinalalagyan namin.

Unusual ngayon si Vincent dahil bukod sa mabagal syang maglakad, nakasuot sya ng mouth cover mask at nakaitim na ballcap na humaharang sa mga mata nya.

“Anong ginagawa mo rito?” bungad ni Janice sya kanya habang hawak nang mahigpit ang braso ko. Sinisipat din nya ang mukha ng kausap dahil nga tago ang buong mukha nito.

Huminto sya sa tapat namin at nagsalita. “Ah, sinusundo ko si Alice?” Tinatantya yata nya ang sagot kay Janice na tila ba nalilito sa inaasal ng kaibigan. Pero first time kong narinig na bukal sa loob nyang sinabi na ako ang ipinunta nya sa school ah, achievement yon.

“Di ba umalis ka na? Bakit nandito ka?” Mapagbanta na ang dating ng mga sumunod na tanong nitong nasa unahan ko.

“Dahil bumalik ako?” This time, sigurado na ‘kong naguguluhan na si Vincent sa nangyayari.. kahit ako rin naman. Nahiya tuloy ako sa kanya.

Sinubukan ko kumawala sa mahigpit na hawak ni Janice pero hindi talaga nya ‘ko binibitawan. “Janice, nag-usap na kami.. nung isang araw pa.” Ngayon lang kasi nagpakita si Vincent sa kanila dahil nawala sya kahapon, may inasikaso daw.

“Ano?” Hinila nya ‘ko at binulungan. “Okay na ‘yon? Hindi ka man lang nagpakipot?”

“Kailangan ba ‘yon?”

Inirapan nya agad ako. “Pa’no mo malalaman kung gusto ka talaga niya kung hindi ka magpapakipot?"

Napaisip ako.

“Yung totoo, nagkaboyfriend ka na ba?”

“Oo naman! Di ba nasabi ko na ‘yon?”

“Eh bakit ganyan ka pa rin?”

Nagkibit balikat lang ako.

Inirapan nya muna ‘ko bago humarap kay Vincent at muling nagsalita. “Hoy, ikaw.” Napatingin naman ang kausap na nakikipagkwentuhan na pala kina Avery at Zeke. “Lumayo-layo ka, baka hindi kita matantya.”

“So, what was it to you?” Dahan-dahang nagiging iritable ang itsura at boses ni Vincent.

“What was it to you?!” Ulit ni Janice na para bang hindi makapaniwala sa tanong na narinig. “Tapos umiyak ni Alice dahil nawala ka nang hindi man lang nagpapaliwanag, itatanong mo sa’kin ‘yan!”

Sa totoo lang, ako ang nahihiya sa mga sinasabi ni Janice kay Vincent. Parang ang lumalabas kasi, may responsibilidad sa’kin si Vincent.. eh wala naman. Ako lang ‘tong nag-iinarte nitong mga nakaraang buwan.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon