Chapter 89

7.3K 231 48
                                    

A/N: That moment when someone comments, 'UD na po'.


You must be new here.


****************************************************





Pasado alas-onse ng gabi na kami nakarating sa terminal malapit sa Kota Kinabalu International Airport. Dumaan muna kami sa loob para bumili ng sariling T-shirt, pants at rubber shoes na sa tingin ko naman ay tatagal sa'kin, pati na rin sarili kong cap at jacket bago dumiretso sa pinakamalapit na hotel na makita namin.


Sa reception, hiningi ang passport namin bago kami binigyan ng kwarto. Isa lang naman talaga ang habol namin: banyo. Magkahalong lagkit ng dagat at amoy-araw ang tumatambay sa buong katawan namin, lalo na sa buhok kong pwede na iwalis sa kalsada. Nag-aaway pa nga kami ni Vincent kung sino unang maliligo, naglaro pa kami ng bato-bato-pik para lang patas ang laban. At sinong nanalo?


Ako lang naman. (Mayabang kasi minsan lang manalo. Hahaha!)


Sinamahan kami ng isang bellboy hanggang makarating kami sa kwarto namin. Pagbukas pa lang ng pinto, napako na kaming dalawa sa kinatatayuan namin.. parehong nakatitig sa iisang parte ng kwarto.


Paksyet.


"Ma'am, Sir, enjoy your stay! If you need anything, I'm Amir, ready to assist you," nakangiting sabi ng kuya bellboy.


Parang robot ang ulo kong tumingin sa bellboy at ngumiti.. ngiting 'fuck, shit, bwakananginangshetengs'.


Nang umalis si kuya, gusto ko syang tawagin at pabalikin ulit. Nauna na kasing pumasok si Vincent sa loob at inilapag ang bag nya sa ilalim ng bintana.


Maliit lang ang puting kwarto na nakuha namin, tama lang sa twelve-hour stay. Isang queen-sized bed na may magkabilang bedside table at isang lampshade sa kaliwa, TV na okay naman.. pero bakit gano'n? Bakit salamin ang dingding ng banyo na naghahati shower at sa kama? Bakit wala man lang blurr? Pwede bang idikit ng scotch tape ang kumot dito para makaligo naman kami ng ayos?


Hinawakan ko ang dulo ng buhok kong amoy tubing alat at luha ng naghihinagpis na pores ko.. Kung nandito si kuya, aasarin ako nun. 'Isang, uso na naman maligo. Naalala mo ba nung hinila ni nanay ang buhok mo dahil ayaw mong maligo?'


"Hindi ka ba papasok?" Tanong ni Vincent sa'kin na nakaupo na sa paanan ng kama habang nakatunghay sa bukas na TV.


Tahimik akong pumasok at nasipat nang maayos ang banyo nang huminto ako sa paanan ng kama, sa tabi ni Vincent. "Bakit ganyan ang banyo? Nasa'n ang privacy nyan? Sa labas?"


Lumingon naman si Vincent sa itinuro kong dingding at lalo siyang natawa sa reaksyon ko. Alam ko, nakakunot ang noo ko at konti na lang magiging conjoined twins na ang kilay ko pero hindi ko talaga mapigilan. Tinitignan ko naman siya na tila nagtatanong pero nagkibit-balikat lang siya.Nalipat sa toilet bowl ang tingin ko at.. Doon na 'ko nawala sa sarili ko.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon