Chapter 34

23.3K 271 30
                                    

A/N: Biglang nagkaroon ng laro dito. HAHAHA! Ang may pinakamahaba at pinakataos pusong comment, may cyber jacket! hahaha! 

 **************************************************

Sanay na ako sa hindi nila pagpansin sa’kin. Wala naman akong magagawa eh. Nag-aalala lang ako kasi baka mamaya kumalat yung nangyari kagabi sa CMAN..

Pag naaalala ko yun.. kinakabahan ako saka nanginginginig yung kalamnan ko.. Nalulungkot din ako kasi nasuspend ako. Buti nga suspension lang inabot ko, at least makakabalik pa rin ako sa CMAN. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung mga nangyari.. Parang may mabigay na hollow block sa loob ng dibdib mo na hindi matanggal-tanggal.

“ALEEEEEEEEESSSSSS!!” Saka ako inakbayan nung tumawag sa’kin.

“Janice naman eh!” Napadikit yung palad ko sa bandang puso ko, parang lumundag kasi yung puso ko sa sigaw nya. Akala ko naman kung ano na yon.

 “Hindi daw papasok si Papa Vincent ngayon,”

 Yun yung pinaka-nakakatakot na narinig ko nang magsimula ‘tong gulong ‘to. Napahinto tuloy ako ng lakad. “Bakit daw?”

 “Eto naman kabado! Relax.” Saka nya ako iginaya nya ulit ako palakad.

Nang mapadaan kami sa bulletin board, kapansin-pansin yung nagkukumpulang tao sa harap nito..

 “Anong meron?” Tanong ko kay Janice.

 “A-ahh.. Hehe. Sa’n ba room mo? Hatid na kita."

 Pilit akong kumalas sa pagkakaakbay ni Janice sa’kin pero hindi nya ako binitiwan..

“SI ALICE!” narinig kong sabi ng usisero sa bulletin board.. pero hindi na ko nakaporma para tignan yung bulletin board kasi hindi naman ako nabitiwan ni Janice.

"Tara na..”

Sa bilis naming maglakad, may nakabunggo sa’kin. “AY! Sorry ha?” Si Julie, may dalang malaking iced tea at naitapon nya sa blouse ko.. Sa itsura nya, parang hindi naman sya nagsosorry sa’kin. At sa tono ng pananalita nya, parang nag-enjoy pa syang tapunan ako ng iced tea.

Wala akong nagawa kundi punasan na lang yung blouse ko gamit ang sarili kong panyo.

“Sorry talaga.. Okay ka lang? Nako.. baka magalit yung kaLIVE IN mo..”

Napatingin ako kay Julie sa sobrang gulat. “Sinong ka live in? Ako?” nagsisimula nang magtinginan ang mga tao sa’min. Ilakas ba naman ni Julie yung mga huling salitang binanggit nya, sinabayan ko pa ng tanong.. talagang makakakuha kami ng atensyon.

“Si Vincent,” With that as-a matter-of-fact tone of her’s.. “..di ba nagsasama na kayo? Meron nga kayo picture sa bulletin board eh. Nakapambahay kayo tapos, sabay kayong lumabas ng building.. kaya pala..” tumango-tango pa sya..

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon