Chapter 41

23.2K 221 10
                                    



Hanggang kinabukasan, hindi na tumigil si Alice sa kakakwento dun sa lalaking nakaduet nya sa CMAN. Una nyang nakita si Avery dahil una itong pumasok ng klase, tapos inulit nya ulit yung kwento nya nang dumating si Janice.

Ang ingay na nila.

Hindi ba sila nagsasawa kakasalita? Lalo pang lumalakas yung halakhak at pagsasalita nila na parang nilalabanan nila yung ingay sa hallway habang palabas kami ng campus.

Kahit hanggang lunch namin, nagkukwentuhan pa rin sila. palakas pa ng palakas ang tawanan, buti dalawa kami ni Zeke dito na tahimik at walang magawa kundi kumain na lang. Pakiramdam ko gusto rin nya sumali sa usapan pero wala syang alam sa mga sinasabi nila.

“Oy, punta naman kayo sa bahay this weekend.” Aya ni Janice sa’min tapos kumain.

“Nandon ba si Ira?” Tanong ni Avery.

“Sa bakasyon pa darating si Ira dito. Pinag-iisipan ko pa kung ipapasok ko na sya sa school as prep dito..”

“May pasok ako sa CMAN ng sabado..” Malungkot na sabi ni Alice. “Pero sa linggo pwede ako. wala naman pasok pag monday.”

“Sa bar na lang tayo pumunta, night out.” Suggest naman ni Zeke.

“TARA!” Sabi ko na mapapaoo si Avery. Sa tingin ko pa lang sa kanya, may nightlife ‘to.

“Hindi ako umiinom, pero gusto ko subukan. Ano bang ginagawa dun?” Probinsyana nga pala ‘tong si Janice.

“Syempre iinom.. pwede ka ring makakilala ng mga tao dun.. Alam mo na yun..” Bigla na lang hinila ni Avery si Janice at Alice saka sila gumawa ng sarili nilang usapan.

Nagkatinginan na lang kami ni Zeke at nagkaintindihan. Kami lang talaga ang magkasangga sa mga ganitong sitwasyon.



Pagkatapos ng meeting nila, napagkasunduang nilang magbar na lang. Pinabayaan ko na lang, wala rin naman akong magagawa kundi sumama.

Isang walang kwentang araw na naman ang dumaan sa buhay ko. Punyetang Drew yan, maniningil talaga ako pagdating nya. Ang dami ko ng pinalagpas na trabaho nang dahil lang sa pagbabantay sa kapatid nito. Hindi naman talaga ako magbabakasyon pagdating ko rito sa Pinas pero itong si Drew, gusto daw nyang umalis sandali.

Ayon, umalis nga.

“Nakita mo naman si MIlo kagabi di ba? Shet, ang gentleman nya saka mabait. Nako, sya na talaga. Sabi ni Janice pupunta daw sya ng CMAN pag may oras sya. Ayaw kasing maniwala.”  

Sa’kin na nya sinasabi yan at pauwi na kami galing school.

“Stop it, Alice.”Hindi natabunan ng ‘bar’ topic yung kaduet nya.

I have no problems with her having a life. She could get a crush if she wants to but she should stop blabbering useless things in front of me. Alam kong wala naman talaga syang kaibigan bukod sa’min nila Janice pero sila na lang ang tawagan nya at kausapin kung hindi pa sila tapos, wag na ako.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon