Chapter 42

21.8K 225 13
                                    

Alam kong hindi talaga sya dapat itakbo sa ospital dahil pwede kaming matrace pero wala na ‘kong choice. Ayoko syang mawala ng ganun-ganun na lang lalo na nang dahil sa’kin. Baka isumpa ko ang sarili ko habang buhay kapag namatay sya sa ganoong dahilan.

Pinara ko ang unang sasakyan na dumaan at tinulugan naman ako nung taxi driver para madala si Drew sa ospital. Hindi ko alam kung bakit pero nanginginig ako sa lamig noong mga panahon na nasa ospital na kami.. Buti na lang may isang pilipinang lumapit sa’kin nang naghihintay ako ng balita kay Drew. Binabantayan nya pala yung asawa nyang naka-confine din ngayon sa ospital na ‘to.

Nang dumating ang doktor, tinulungan nya ako para maintindihan kung ano na ba talaga ang totoong lagay ni Drew.

“Marami daw nawalang dugo sa kasama mo kaya nag-collapse sya pero magiging okay rin sya. Medy grabe lang daw yung tama ng bala sa tagiliran nya pero wala naman daw tinamaan na vital organs.”



Nakahinga ako ng maluwag.



Ngayon, tatlong araw na ‘ko nagbabantay sa hindi nagigising na Andrew Sevilla. Binibisita naman ako nung babae paminsan-minsan. Nagdadala ng prutas o kaya kinakausap ako para daw naman malibang ako.

“Sige ho, uuwi lang ako para magpalit ng damit.”

“Mag-ingat ka ha?”

Saka ako umuwi sa apartment. Naligo ako, nagbihis at paalis na sana ng apartment nang mapansin kong may papel na nakalagay sa ibabaw ng mesa sa kusina.




I’ll come and get your sister, Ace..

I’ll wait.




Agad kong tinawagan si Vincent. The more ring I heard, the more anxious I get. And I was going crazy.



[What?] Sagot nito sa kabilang linya.

“Bakit ang tagal mo sumagot?” Malalaglag na yung puso ko kakahintay sa sagot nya.

[Nasa klase ako, and you expect me to answer your call immediately?]

“Where’s Alice?”

[She’s here. Bakit?]

“Don’t let her out of your sight, okay?”

[May nangyari ba?]

“Someone left a note here at our apartment. It says ‘I’ll come and get your sister, Ace.. I’ll wait.’ "



Eerie silence filled the line.



ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon