A/N: Sabihin ko lang na grabe yung pinagdaanan ko kaya ngayon lang ako nakapagUD. Haha.
May hinahanap pala kong wattpad member. Sabi ko kasi sa kanya, idededicate ko sa kanya tong Prologue ng Viper, hindi ko pa man sinisimulan 'tong isulat.. Nagbago ata sya ng username kaya hindi ko na sya mahanap.. Ayon. kaya kung nababasa mo 'to, PM naman. I'll leave the prologue just like that kung hindi na kita makita.
--Erin ★
**************************************************************
Nagdaan ang mga linggo nang maayos, meaning hindi na ‘ko inaaway ni Vincent..Well, inaaway pa din nya ko pero hindi na extreme katulad nung dati. Basta hindi ako magsasalita nang madalas. Hehe.
Pero minsan nakakaasar din talaga yung lalaking yon. Gusto lagi isang sabi lang, susunod agad ako, lalo na pag naglalakad.. Kitang ang bilis bilis nya maglakad at maiksi lang ang binti ko. Minsan pakiramdam ko pinagtritripan lang nya ko eh. Tapos minsan tumatawa ng walang dahilan, pag tinatanong ko kung ano yon, iiling lang. Nakakatanga di ba?
Nang minsang mapadaan kami sa 7-eleven, nagpabili ako sa kanya ng jelly ace.. hehe. :)
“Akala mo laging may patagong pera kung makapagpabili sa’kin.” Reklamo nya. Pero wag ka, binili nya ko tapos sinamahan nya pa ng cornetto.. yabang.
Habang kumakain kami ng icecream sa mahabang table doon, may naalala ako. “Punta ka sa bahay sa august ha? Maghahanda ako.” Standing ovation kami dun since medyo maraming tao doon.
“Bakit?”
“Birthday ng kuya ko.” Every year talaga naghahanda ako para sa birthday ng kuya ko. Sya lang kasi yung natatandaan kong birthday samin.. ang bata ko pa kasi talaga nung nawala sila..
Kumunot ang noo nya. “Kuya mo?”
“May kuya ako di ba?”
“Pupunta kuya mo sa bahay mo?”
Hindi ba nya naalala? “Di ba nga kasamang namatay ng nanay at tatay ko ang kuya ko? Akala ko ba alam mo lahat?"
Nagulat pa sya sa sinabi ko. “Ay, oo nga pala.. Papakain ka?”
Tumango ako.
“Anong lulutuin mo?”
“The usual.”
“Fried rice, gulay na nilagyan ng toyo, bacon at sunny side up pa lang nakakain ko sa niluluto mo.” Bilang?
“Baka magbake ako ng cake.” Sabay kain ng ice cream.
“Bake a cake?” Parang naging excited sya.
“Oo,”
“Kailan?”
“August 18.”
Tumango-tango lang sya tapos sinubo yung last piece ng kinakain nya.. habang kalahati pa lang ako sa cornetto ko.
“Ang tagal mo kumain.” Makareklamo naman kala mo isang oras na kami kumakain dito sa 7-eleven.
“Ninanamnam ko yung ice cream na libre mo, baka hindi na maulit.” Syemrpre, baka mamaya atakihin na naman sya ng menopausal tantrums.. HAHAHA!
“Iwanan kaya kita dito?” Eto na.
“Sapatusin kaya kita dyan?”
“Nakatsinelas ka kaya?”
Napatingin ako sa paa ko, shet. Oo nga. “Kukunin ko yung sapatos ko sa bag ko para lang sapatusin ka.”
“Nakanino kaya yung bag mo?”
AY! Nakasukbit pala sa likod nya yung bagpack ko.. leche. Tinitigan ko sya ng masama. Nanalo na naman sya... kakaatarr..
Tumawa naman si Vincent. “You know, whenever you stare at me like that, you looked like you’re about to punch me on the face.”
“Malapit na.”
“Hindi naman masakit.” Alam ko namang hindi nya nasasaktan dun, pero iba pa rin yung feeling nang nakasuntok ka.
Kinuha ko sa kamay nya yung plastic ng jelly ace.. Nang may maalala na naman ako. “Oy, pa’no mo nalaman na kumakain ako ng jelly ace na may powdered milk?” Dala kasi nya yun nung nakita nya kami na nag-uusap ni Lester di ba?
“I read your diary.” Sabi nya na para bang librong binibili lang sa National Bookstore yung diary ko.