Chapter 88

8.8K 258 72
                                    

A/N: Salamat nga pala sa nakita at nakasama naming Power Ninjas sa Wattpad Summer Meet Up! Kina Majo, Eryl, at Ericka na hindi ko alam kung mababasa nila 'to dahil hindi nila kami kilala. hahaha! :) Kay Charisse at Trisha, sa sususnod magsalita kayo, ha? Nakakahiya sa ate nyong madaldal. Hahahaha! Kay Allie at Rayne na kasama naming malusaw sa araw habang naglalakad papuntang MOA. 'A enemy'! Potek. Hahahaha! Salamat din kay Bel na talagang nag-effort na pumunta. Salamat sa gifts for us! :) 

*****************


Wala pang dalawang oras mula nang makasakay kami sa eroplano, nakarating agad kami ni Vincent sa Zamboanga International Airport. Palabas pa lang, ramdam na sa simoy ng hangin na probinsya ang lugar. Fresh sa lungs kahit medyo malamig, di katulad sa Maynila, malagkit sa feelings. Bago rin sa paningin dahil puro puno at damo ang nakikita ko.


Hindi ko alam kung bakit humiwalay sa'min si Aspen sa pagsakay sa pampasaherong tricycle pero hindi na rin ako nagtanong pa. Baka talagang may dinaan lang siya kay Vincent saglit o talagang ayaw niya lang madamay.


Inabot rin siguro kami 45 minutes sa byahe at habang tumatagal, lalong lumalago ang mga damuhan at kumokonti ang mga bahay. Walang mga street lights kaya ilaw lang mula sa sinasakyan namin ang nagbibigay liwanag sa dinadaanan namin.


"Anong oras na?" Ungot ko kay Vincent. Napagod yata siya sa kakatawa kaya nanahimik.


Saglit siyang sumulyap sa wristwatch niya, "18 minutes after twelve."


Para kaming adik sa eroplano kanina. Una iniinis nya ako tapos biglang nauwi sa tawanan. Pagkatapos kaming sawayin ng stewardess, tinanong niya ako kung anong ginawa ko noong iniwan niya akong mag-isa nang isang linggo dahil nga hindi naman ako pumunta sa gym. Hindi naman siya galit, nagtatanong lang. Sabi ko kumain lang ako nang kumain at naglibot. Sinabi ko rin na muntik na 'ko malunod sa unang pagpunta ko sa swimming pool, naligaw kakahanap sa spa nila, pakiramdam ko lahat na lang ng kainin ko may ginto dahil mahal.. mga simpleng bagay lang pero ang tawa niya, walang kupas. Para akong clown sa harap niya. Bandang huli, siya na ang umawat sa sarili niya. "Ayoko na," sabay hilot sa magkabilang panga niya habang pinipigilan ang pagngiti.


Pero kung iisipin.. masarap din pala sa pakiramdam. Tumatawa siya dahil sa'kin. Oo na, kahit ako ang pinagtatawanan niya, okay lang din basta tumatawa siya.


Maya-maya, pakonti na nang pakonti ang mga bahay sa dinadaanan namin at nadadagdagan ng mga puno at damo. Naalala ko tuloy ang mga kwento ng mga kaklase ko nung elementary ako. Sa probinsya daw may mga white ladies na naglalakad, pugot na ulo, kapre, at mga nuno sa punso ka kapag naapakan mo eh siguradong lolobo ang paa mo.. luh.


"May white lady kaya dito?"


"Di ko na-check."


Hindi naman ako nagtatanong sa kanya, sagot nang sagot.


Nakarating kami sa dulo ng daan, medyo natakot ako dahil may taong nag-aabang. Hindi ko maaninag pero may hawak itong flashlight. Naalala ko si Freddy Krueger sa suot ni manong na pulang longsleeves, pinarisan pa ng khaki na pantalon, at sombrero..  

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon