Chapter 20

25.5K 255 16
                                    



Paggising ko..





Nakita ko si Drew na kumakain sa mesa. “Hihintayin sana kita, kaso gutom na gutom na ko. Anong oras ka ba natulog?” Tanong nya sa’kin sabay subo ng lettuce.. Salad for breakfast?

Alam kong madidismaya kayo pag sinabi kong hindi sya dito natulog pero yun ang totoo. Dismayado din ako, guys. Haha. Ilang linggo na kong tigang no, may pangangailangan din ako.. HAHAHA. XD


Pa’no nya nabuksan yung room ko? Ewan ko dyan.. Wala na rin akong pakialam. Kaya ko rin naman buksan yung kwarto nya.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Gigisingin sana kita, eh biglang dumating yung free breakfast..” Napakamot pa ng ulo.. Tara nga dito sa bed, laro tayo. HAHAHA! 



Shet, hormones.. KALMA.



“Kaya inuna mo pa yan kaysa gisingin ako.”

“Ayain sana kita lumabas."

Bigla kong naalala yung kagabi! napabangon talaga ako sa kinahihigaan ko at umupo sa tapat nya. “Ace--”

“Drew.”

“Oo na, Drew. Pare naman, makinig ka. Kagabi ka pa e.. Nakakaasar ka na..” Kagabi habang naglalakad kami pauwi, daldal ako ng daldal pero hindi sya kumikibo.. hawak lang nya yung kamay ko. As in pinagduduldulan ko nang walang kahit ano sa’min ni Vincent pero.. :’(  Gusto ko na nga umiyak ng dugo kagabi, maniwala lang sya.

“Kagabi? Ano bang nangyari kagabi?” Ay pota. May ganitong epek pa sya? Arte nya ah,

“Kung bigwasan kaya kita?”

“Subukan mo.” Hamon nya sa’kin.. pero nakangiti sya.

"Drew naman eh.. Wala naman talaga--” Bigla nya kong sinubuan ng lettuce sa bibig.

“Masarap no? Fresh daw yan sabi nung nagdala dito.”

Madali kong nginuya yung sinubo nya para makapagsalita na ‘ko.. “Yung tungkol sa’min--” Sabay subo naman ng malaking slice ng chicken na sinawsaw sa honey dressing.

“Dapat hinintay mo muna yung chicken bago mo nilunok. Parang tanga naman ‘to kumain.” AMPOTA!

“Asdfhdbnfkjf!” HINDI KO PA NALULUNOK YUNG LETTUCE! Tinabi ko lang sa gilid ng bibig ko para makapagsalita ako.. Ang laki kaya non! Badtrip, umagang umaga.

Natawa lang sya. “Papakainin kita ng marami simula ngayon. Tignan mo nga,” Tinaas nya yung braso ko. “Ang payat mo na. Dati nung mga bata pa tayo, ang chubby mo.”

Pinalo ko naman sya sa braso. Ayon ang gago, tumawa na naman. Chubby talaga ako nun pero pumayat ako kasi sa training.. ang hirap. Para kaming nasa air force. hehe.

“Tapos mo kumain, maligo ka na.”

Napatitig ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapagsalita eh.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon