Chapter 53

21.2K 222 30
                                    

A/N: Sa mga nagtataka kung bakit ang inosente si Alice pagdating sa 'ehem', eh nursing student sya. Ganito yan.

I asked my nurse friends about the curriculum they used at dapat na maging background knowledge ng isang 2nd year, first sem student. Sabi nila basics lang ang alam nila sa ganitong phase ng college life like BP taking, urine chorva (sabi ni Mitch na nursing student ata.. o nurse ka na? :D), etc. More on community service sila kaya dapat magaling na sila magsalita nito.

Ang maternal chorva will be tacled sa third or forth year nila kaya valid pa ang pagiging inosente ni Alice. Yung pagkadense, hindi ko maprove. Hindi ko rin kasi maintindihan si Vincent sa mga pinaggagagawa nya. HUEHUEHUEHUE!

There. Oh, espeysyal mensyon si Hayumi_06. Thank you sa pagbabasa. :)

*************************************************




Lumipas na ang midterms at lahat na talaga kami cramming sa mga school projects at term paper namin. Pinanindigan talaga ni Vincent ang pagpasok at labas ng classroom dahil yun lang talaga ang ginagawa nya. Sabi nga ng mga Prof namin buti at pumapasa sya sa mga exams dahil konti na lang bibigyan na sya ng drop mark. Nakikita ko lang yun nagbabasa sa gabi. Handouts ko, academic books na hiniram ko sa library, pati notes ko binabasa nya lahat a day before ng exams. Minsan pag wala syang magawa, nagbabasa rin sya.

Tinanong ko ulit yung S&M kinabukasan pero hindi talaga nya sinasabi. Sabi  ko masesearch na lang ako sa net pero binantaan nya ko na magugulat daw ako sa makikita o mababasa ko lalo na kapag hindi daw ako handa. Saka baka SM ni Henry Sy ang lumabas. Haha.

So, ano to? Forever na lang na walang sagot ‘to?

Wala akong pasok sa CMAN ngayon dahil sa nakaschedule akong magpasukat at pumunta sa venue ng Debut. Pagbaba ko ng apartment, nagtaka ako sa itim na kotse na nakaparada sa harap ko. Bumaba ang side window ng kotse at nakita ko si Vincent sa loob na sinenyasan akong sumakay.

“Ayaw mo magmotor?” Tanong ko. Parang ayaw nya talaga ipasuot yung helmet na binili nya para sa’kin. Ano gagawin ko do’n, ididisplay sa bahay katabi ni Lulu?

“Malapit na magtanghalian, magmomotor ka?”

Oo nga pala, hehe. Baka tunaw na kami pagdating namin sa pupuntahan namin. Ngayon na kasi ako nakaschedule na magpasukat sa modista para dun sa debut na kakantahan ko.




Pagsakay ko sa back seat, agad syang nagsalita. “Pinagmumukha mo ba kong personal driver?”

“SORRY AH.” Lumabas ako sa backseat at dumiretso sa harap. Malay ko ba kung ayaw nya kong katabi? Hindi naman ako yung tipo ng taong ipipilit ang sarili nya sa taong hindi naman ako gusto.



On our way, hindi na ‘ko nagsalita. Medyo nakokontrol ko na rin yung bibig ko kaya okay na siguro sa kanya ang ganito. Tumingin na lang ako sa labas para iwas daldal na rin. Ewan ko ba, pag nakakakita ako ng tao, automatic na gusto kong magsalita.

After 30 minutes, nakarating kami sa House of Rajo Laurel. Pagpasok namin sa loob, ang elegante ng interior ng lugar. Beige ang kulay ng dingding habang brown ang kanto ng kisame at gold ang kulay ng mga bulaklak na disenyo sa bawat sulok ng lugar. Halatang yung dalawang taong sahod ko eh katumbas lang ng isang chandelier dito. Pati ang green na kurtina parang hindi pwedeng hawakan, baka madumihan.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon