Chapter 81

9.7K 222 33
                                    

 A/N: Kung napapansin nyo this pas few chapters eh hindi ako nagrereply sa comments nyo, wag magtampo. Hahaha! Ayoko lang kasi madulas, baka may masabi akong hindi dapat. Hehe.:)

 **************************************




Matapos ang isang araw na pagpapahinga na may kasamang paranoia, ipinatawag ulit ako para sa isang meeting kasama si Sir George at Vincent. Eto ba ang tinatawag na promotion? Sa bagay, si Sir George naman ang magbibigay sa'kin.

 

Naghanap ako ng pwedeng maupuan pagdating sa opisina ni Sir George at mas pinili kong sa tabi ng mesa ako pumuwesto. Bago pa man ako maupo, nasulyapan ko ang makalat na mesa ng head ni Vincent.

 

Sa ibabaw ng kumpol-kumpol na folder doon, may dalawang transparent na envelope na sa tingin ko ay para sa'min ni Vincent dahil may pangalan namin ang bawat isa dito. Nang kunin ko 'yon, nagalaw ko ng konti ang mga folder at may lumabas na picture ng isang batang lalaki. Unang tingin pa lang, alam ko nang si Vincent yon, base na rin sa porma nitong parang nag-aabang sa kalaban sa loob ng mansyon. Siguro kundi sampu, labing-isang taong gulang palang sya dito.

 

Out of curiosity, sinadya kong tumayo malapit sa mesa at kunwaring inabot ang folder sa kabilang dulo nito nang 'natabig' ko ang mga transparent folder at nagkalat ito sa sahig. Yumuko naman ako para makapagtago sa CCTV saka binuklat ang folder na pinanggalingan ng mga litrato.


Tinitigan ko ang picture nang malaman kong naka-staple pala ito sa isang medyo matigas na papel kaya pati 'yon, nakuha ko. Hindi lang pala isang litrato ang nakadikit doon kundi tatlo. Lahat puro si Vincent pero magkakaibang edad at ang papel na pinagdikitan nito? Birth certificate pero ibang pangalan ang nandoon kaya mas lalo akong naguluhan.

 

It's not Vincent, not anymore.

 

Shit, is this it?


Binuklat ko pa ang mga papel sa likod nito.. Background pamilya ng may-ari ng birth certificate, kasama ng mapa na walang nakalagay kung anong lugar o para saan ito.. pati na rin ang ilang medical results na hindi ko maintindihan kung para saan.



 

"Sir?"


Muntik nang lumundag palabas ang puso ko sa tawag ng secretary ni Sir George na nakadukwang sa pintuan. Sumilip ako mula sa gilid ng mesa at tumayo na parang may inosenteng intensyon. "Ah, nasagi ko kasi yung mga papel.. Ano yon?"


Ngumiti naman ang secretary at lumapit sa mga papel sa sahig saka nagsimulang mag-ayos pero pinigilan ko sya. "Ako na, total ako naman ang nakatabig."


"Hindi po Sir, trabaho ko po ito." Nang matapos syang mag-ayos, inilapag nya yon sa mesa saka humarap sa'kin. "Pinapasabi po ni Sir George na papunta na sila."


"Sige, salamat."


Nakahinga lang ako nang maluwag nang sumara ang pinto. Akala ko talaga mamamatay na 'ko sa kaba kanina. Ganito ba kapag maraming problema? Nagiging paranoid?

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon