Chapter 40

24.8K 240 24
                                    

 

Thankfully, natapos na yung kaguluhan sa school. Unti unting bumalik na rin sa normal yung mga kaklase ko dahil na rin sa mga sinabi ni Janice. Well, hindi naman katulad ng dati na wagas sila makatingin sa’kin. Para na kong nomads sa school pero okay lang, mas gusto ko yun.

Bumalik na rin sa dating pattern yung araw namin although minsan pag magkasama kami ni Vincent, may iba pa ring tumitingin. Hindi kasi katulad ng dati na hindi kami nag-uusap sa school, ngayon parati na talaga kaming magkasama.

May tawag na nga ako dito eh.



‘Friends.’



Ewan ko lang ha?  Hindi pa ko nakakapagpaalam sa kanya.



Papunta na kami ngayon sa CMAN at excited na ‘kong pumasok. Okay lang kaya sila? Si Lem kaya? Konti lang kasi ang empleyado sa CMAN kaya baka nahihirapan sya. Nakaschedule akong magperform ngayon at namiss ko rin ‘to.

Kaya naman pagdating ko, ngumiti talaga ako ng sobra saka ko sila binati ko talaga. “Good Afternoon!”

Agad namang lumapit si Elise sa’kin. “Pare! Namiss kita.” Tapos tumingin sya sa taong nasa likod ko. Sino pa ba? Eh di yung resident customer na naghatid sa’kin dito. “Ikaw din pare, namiss kita.”

“Aliiiiiccceee!” Konti na lang damba na yung tawag sa ginawang pagyakap sa’kin ni Ate Kara. “Na-miss kita nang bonggels!” Lumingon naman sya kay Vincent .“Hello Papa V.”

Ngumiti naman si Vincent sa kanila at tumango. Minsan talaga iniisip ko kung bakit ang bait nya sa ibang tao tapos sa’kin ang harsh nya. Ay, dati pala yon, friends na pala kami. Inabot nya pa nga sa’kin ang backpack ko.

“Ako din namiss ko kayo.. Teka, si Lem?” Sinipat ko yung pintuan ng kusina at sya namang labas ni Lem mula doon.

Nagpunas muna sya ng mga basang kamay bago lumapit sa’kin. “Uy! Alice! Welcome back.” Ngumiti sya sa’kin. “Sa wakas nakita na kita ulit.” Marahan nyang hinawakan ang kamay ko at pinisil.

“Ako din! Alam kong late na ‘to pero.. WELCOME sa CMAN!” Itinaas ko pa talaga yung dalawang kamay ko para cool.

“Nako, ako sobrang late na rin.. pero thank you dahil nirefer mo ako..”

“Wala yun, kailangan din naman ng CMAN ng tao.. Ay teka lang ha? Magbibihis lang ako.” Saka naman ako pumasok sa loob ng locker room para magbihis sa performance ko ngayon. I wore a white long-sleeved close-collared dress.



Paglabas ko, nakasalubong ko si Cedrick na nakakunot ang noo habang nakatingin sa performance list para ngayong gabi. Si Cedrick nga pala yung anak ng may-ari ng CMAN at sya ang nag-aayos ng performance list namin.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon