A/N: Tip lang, halos lahat ng character na lumalabas dito may purpose kay bantay-bantay din pag may time. You'll never know.. Malay mo magbago bigla ang takbo ng storya. hehe. :)
Pekchur ng damit ni Lily sa gilid.. ----->
Erin
***********************
Hanggang paglabas namin ng airport, hindi ko pa rin binibitiwan ang kamay ni Lily. Nung nakita ko sya na umiyak kanina.. Para akong natutunaw na ewan.. Parang gusto ko na lang sya pagbigyan sa lahat ng nakakaasar na ginawa nya, tumigil lang sya.
And now she’s smiling, I like her to be this close to me. Yung parang hindi na sya aalis sa tabi ko. Although hindi naman sya kumikibo simula nang matulog kami sa eroplano, still hindi sya umaangal sa ginawa ko. Nakatulog talaga ako nun for the first time. Hindi kasi ako sanay matulog sa eroplano, parang ang shaky ng feeling.
Now, I feel happy holding her like this.
I feel like this is something I’d like to be familiar with.
Sa mga ganitong pangyayari lumalakas yung loob ko na ipaglaban sya kung sakali mang malaman ng Org ‘to.. pero hindi ko kayang isakripisyo ang buhay nya. Alam kong kaya ko syang itago pero hindi ako sigurado kung hanggang kailan. At isa pa, nandyan si Alice. Alam kong gagamitin ng Org ang kapatid ko para mapalabas kaming dalawa.. Saka siguro kung magtapat ako sa kanya, sasabihan nya lang ako ng ‘baliw’ tapos lalayuan ako. Mas okay na yung ganito, nakakachansing paminsan-minsan. Haha.
Nang magvibrate yung phone ko, I saw an MMS from Viper.
It’s a picture of a paper.. more like a piece of paper from a journal with a note.
‘Kuya, may nang-aaway sa’kin.. :’( Pangalan Lloyd Vincent Pastrana. Bagsakan mo nga ng bato galing dyan nang bumait.. Please?
I love you Kuya! I miss you.’
Sa ilalim nun may nakadikit na picture namin ni Alice nung mga bata pa kami. Ang alam ko sa picnic groove yun kasi nakangiti talaga kami ng sobra ni Alice tapos nakaupo kami sa picnic table.. Sa tingin ko sulat ‘to ni Alice dahil she used to write to me every month, as her adopted parent of course. Things like ‘she’s grateful that I adopt her.’ and ‘she likes to have a coffee with me.’ Pero syempre hindi ako sumasagot.
Teka, pa’no nga pala ‘to nakita ni Viper? At anong ginagawa nya sa kapatid ko?
“Ayan na naman yang ngiti na yan.” Nagbibiro lang naman si Lily pero kung hindi ko lang talaga kilala ‘tong babaeng ‘to, iisipin ko talagang nagseselos ‘to eh.
“Si Viper nagpadala ng early birthday gift sa’kin.” Saka ko naman hinarap sa kanya ang screen ng phone ko.
Napangiti naman sya. “Your sister?”
“Yep. The one I told you a while ago.”