Chapter 62

18.2K 231 39
                                    



Dumating ako sa bahay ng mga Pastrana bago mag-alas tres ng madaling araw. I could hear chirps of cassidas around the house as soon as I arrived the area. Sa pinto na ‘ko dumaan para walang masirang kahit ano. Bago ako dahan-dahang papunta sa kwarto ng mag-asawa para maghanap ng mga bagay na pwedeng kuhaan ng hibla ng buhok, nag-iwan muna ako ng note sa ibabaw ng mesa. Nakalagay doon ang address ng sementeryo kung saan nakalibing ang kapatid nya. Bahala na sila kung pupuntahan nila o hindi.

When I saw a brush on the top of their vanity table and got few long strands just to be sure then put it in a small resealable plastic bag. Tatlong lalaki naman ang kasama nya sa bahay kaya malabong hindi kanya ‘to. Wala naman silang kasama sa bahay nitong mga nakaraang araw base sa tatlong araw na pagbabantay ko at sya lang ang nakita kong gumagamit ng brush.

Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako nang makasalubong ko ang isa sa mga anak ni Celestina. Halatang wala pa sa wisyo ang bata dahil nakatitig lang sya sa’kin na parang minumukhaan pa ‘ko.

Yumuko naman ako sa kanya at ginulo ang buhok nya ng konti. “Sabihin mo kay Mama may sulat sa ibabaw ng mesa paggising mo ha?”

Saka ako umalis ng bahay nila. Nasabihan kasi ako ng isa sa mga nagbabantay kay Alice na ngayong araw sya mag-enrollment kasama nina Avery, Zeke at Janice kaya kailangan kong makahabol. Nakatanggap din ako ng voicemail galing kay Sai and he invited me on a 3-day vacation on their private island in Palawan. Since Alice will be there, I might as well be with them. Hindi ko namalayang dalawang linggo na pala akong nawawala sa sarili kakaisip kung totoo nga ang nakita at nabasa ko sa sementeryo.

Isa sa mga rules ng ORG ang hindi pagkakaroon ng asawa o kahit makipaglapit sa kamag-anak mo dahil destruction yon sa trabaho. I wonder if Garrett knows something since he's the founder they were pointing.



Halos alas otso na rin ako ng umaga dumating sa Maynila dahil sa sobrang traffic. Natulog lang ng dalawang oras, naligo tapos pumunta na ulit sa school.

Nakita ko silang apat sa gitna ng lobby at nagtatawanan. Agad naman akong lumapit at nilakasan ang boses maputol ang kung ano mang pinag-uusapan nila. “Masaya pala kayo nang wala ako.”

Si Alice ang una kong tinignan dahil gusto kong makita ang reaksyon nya pero biglang may braso na umangkla sa leeg ko at hinila pababa sabay gulo sa buhok ko, “BISENTE! Hindot ka, akala ko hindi ka na babalik!”

“A-aahh. Janice!” Lalo pa nyang hinigpitan yung isang braso nya sa leeg ko nang umangal ako.

“Bakit hindi ka naman nagparamdam?” Narinig kong tanong ni Avery.

“Pa’no mo nalamang nandito kami?” That was a sensible question coming from Zeke.

Ilang segundo lang ako pumalag nang dahan-dahang lumuwag ang braso ni Janice kaya nakabangon ako mula sa pagkakayuko at minasahe ang leeg ko. Lumingon-lingon ako sa kanila pero kulang na sila ng isa. Mukhang sila rin eh nagtaka kung bakit nawala yung isa.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon