Chapter 11

27.1K 281 35
                                    

A/N: Picture ni Drew.. AWW! :">

Sa mga magkakagusto kay Drew, inyo na si Viper ha? Akin lang si Drew. XD

Dedicated to Cruist04. Salamat sa comments! :)

Erin ★

******************

Kung sasabihin ko sa’yong mas tao ngayon si Vincent maniniwala ka ba? Syempre hindi. Kasi naman kami nina Bullet at Lily ang kasama sya nang matagal kaya talagang huhusgahan nyo lang sya base sa alam nyo.

Sa totoo lang, he could lie to anyone, even with lie detector test.

He could make up things without being caught. Lagi lang syang kalmado sa lahat ng oras, kahit mamatay-matay kami sa kaba. Kumbaga laging stable yung emosyon sya.

Sya ang pinakamabilis gumalaw sa’ming lahat. At syempre, sya yung pinakamatalino. Strategies, witty comments.. lahat.

Minsan nga nawiweiduhan akong kausap 'tong si Vincent..

He’s a perfect killing machine.

Walang kunsensya, walang emosyon..

Pero ako na magsasabi sa inyo, mas TAO talaga sya ngayon. May expression na rin ang mukha nya, nakikipag-usap na sya sa iba at nagbibiro.. Ngumingiti na nga rin sya.. Minsan natatakot na ‘ko sa pagbabago nya. Hindi ko alam kung namiss nya lang kami kaya ang daldal nya o talagang nagbago na sya.

Pero naisip nyo ba kung bakit sya expressionless dati? Na parang walang pakialam sa mundo?

Ako? Hindi ko yan naisip noon. Narealize ko lang yan nung makilala ko sya sa mansyon. Unang dating ko doon.. Parang tagos sa buto ang lamig, nakakapanis ang katahimikan.

Siguro nung sinabi kong mansyon, akala nyo masarap ang buhay naming doon? Nagkakamali ka. Wala kaming ginawa dun puro aral at training. Limang oras sa isang araw lang kami natutulog at natitirang disinuebe, puro paghihirap ang ginagawa namin. Para kaming nasa military sa murang edad.

Disiplinado lahat ng bata sa mansyon, parang robot kung kumilos.. Sa pagkain.. sa training.. sa lahat ng oras, nakapila kami. Konting pagkakamali, sobrang bigat ng parusa.

Ikaw ba naman latiguhin sa likod ng malufet, gugustuhin mo pa bang magkamali???

Nung unang linggo ko nga gusto ko na magpakamatay sa sobrang hirap ng sitwasyon dun. Tapos binigyan pa ‘ko ng bagong pangalan, which is Ace. Kalimutan na daw namin yung dati dahil hindi na daw kami yon.. Fck them. I’ll always be Andrew Sevilla.

Sa loob ng mansyon, may bawat section. Niraranggo ang mga bata depende sa abilidad at utak. Sa isang kwarto, bente singkong bata ang natutulog. Bawat kwarto may ‘Head’, kumbaga sa school ‘Adviser’. At kung may ‘Adviser’ syempre may ‘Teacher’s pet’.. And guess who?

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon