Chapter 31

24.9K 290 32
                                    

A/N: Na naman. hehe. Gusto ko lang sabihin na na-aapreciate ko po lahat ng votes nyo, yun lang tamad talaga akong mag-message sa MB nyo.. Sinubukan ko na pong magbago.. pero hindi ko po kaya. Tinatamad po akong labanan ang katamaran. hahaha!

Sa gilid po ang picture ni Alice, umiiyak in CMAN's uniform.. Bakit kaya? ------>>

Erin your Lab na may star (tinatamad mag CRTL+T para macopy yung star symbol. haha!)

 ***************************************************

Pangatlong na araw ko na ‘to sa school. Ang dami ko nang natatanggap na threats pero tinatawanan lang namin ni Vincent. Madalas nakalagay sa notebook ko. Hindi ko nga alam kung pano nila nabubuksan yung locker ko. Nawawalan na din ako ng mga gamit tulad ng rubber shoes, uniform.. At dahil makapal ang mukha ko, bibili daw si Vincent, pero hindi ko pa nasasabi. hahaha!


“Told you.”

“Ano?”


Saka nya tinuro yung isang nakasulat sa isa sa mga vandal sa notebook ko.



‘Attention Whore.’

Tinignan ko sya ng masama. “Ganyan talaga tingin mo sa’kin una pa lang eh no?”

“Yup.”

“Ang sakit, alam mo yon.” parang sugat na nilagyan ng katas ng kalamansi.

“I know, but I learned na may mga tao pala na kailangang sabihan para magtanda.” Saka nya ko tinignan.

 

Alam ko po.

Ako na po.

Inaako ko na po.

Magtatanda na po ako..



At dahil free section ako, kumalat nang kumalat yung nangyari.. Mas dumami sila. Ewan ko, naguguluhan na ‘ko. Buti na lang talaga nandyan si Vincent. Hindi ko nga alam kung bakit ganyan ang reaksyon nila. I mean oo, nagsinungaling ako, pero para mangyari sa’kin ‘to? Parang ang OA naman ata. Matatanggap ko sana kung sila Janice, Avery at Zeke ang magalit dahil halos araw-araw ko sila kasama kumain ng lunch at sila talaga yung tinatawag kong ‘kaibigan’, pero ang buong klase.. parang hindi naman makatarungan ‘yon.

Gusto ko talaga magsorry pero wala akong chance. Lagi na lang kasing umiiwas lahat ng taong makasalubong ko sa hall way. Kung kailangan ko silang isa-isahin, gagawin ko.. pero wala eh.

 

Pagdating ko sa second class, syempre magkahiwalay kami ng upuan.. Wala namang unusual na nangyari sa buong discussion. Tatayo na sana ako nang matapos ang klase pero nagring ang phone ko.

“Someone tied your shoelaces.” He informed me.

Napayuko agad ako saka nakitang nakatali nga yung shoelaces ko.. Kung humakbang pala ako, baka nagdive ako sa sahig.

 

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon