Tatlong araw lang ang ginugol namin dito sa San Diego kahit na nag-enjoy kami nang sobra sa Balboa park. Kahit bumalik kami kinabukasan para maikot muli ang kabilang side ng lugar, hindi pa rin namin matapos kahit kalahati nito. Aerospace museum at Museum of Photographic Art lang ang napuntahan namin tapos nag-picnic na kami bandang hapon sa isang open area doon.
Kung pwede lang magtagal pa kahit isang araw pa pero kailangan na naming umalis.
Unti-unti nang nagsi-sink in sa'king mukha kaming mga palaboy na maraming pera. Napapagod na rin ako sa pag-alis.. pero hindi ako makapagreklamo dahil alam kong mas pagod ang kasama ko. Gusto ko nang manatili sa isang lugar at mabuhay nang peaceful pero alam kong malabo. Sobrang labong wala pa 'yon sa options namin.
Tatlong oras kaming sakay ng train at nagpalipat-lipat ng istasyon bago kami makarating sa airport. Napag-usapan na kasi namin 'to na ayoko na sumakay ng eroplano, nakakapagod na kasi.
"Eroplano na naman?" Sa gilid pala kami pupunta, sa sakayan ng bus. Pwede bang mag-sorry? Hahaha!
"Saan tayo pupunta?" Nag-request kasi siya ng gusto sana niyang puntahan. Ako kasi talaga ang pumipili ng lugar. Minsan may mga side comment lang siya na 'yung medyo malapit na bansa para mas madaling puntahan kaya medyo nagbabago ang isip ko. Binigyan niya lang ako ng mga hindi dapat puntahan katulad ng Europe. Ang laki ng restricted area 'no? Hindi ko rin alam kung bakit.
Imbis na sumagot, itinuro lang ni Vincent ang itaas na parte ng harap ng bus. Nasanay ako sa Pilipinas na may placards sa harap ng bus pero nasa taas pala nakalagay kapag dito sa US. Naka-flash ang lugar gamit ang installed LCD lights. Nang mabasa ko ang nakasulat..
"Las Vegas?"
"Masaya do'n."
Pinauna niya akong umakyat sa bus. Medyo puno na ang mga upuan doon kaya sa bandang likod kami nakakuha ng pwesto. Siya sa bintana at ako sa tabi niya.
"Nanggaling ka na ba do'n?"
"Isang beses. Kinabukasan, hindi ko alam kung anong ginawa ko." Pero nakangiti ang gago.
"Masaya nga siya oh, tapos dadalhin niya ako do'n."
"May naaalala naman ako before shits happened at 'yon ang pupuntahan natin. I know you like colors and lights. May dancing fountains doon, museums, at parades kung matiyempuhan natin. The food is also too great to ignore."
"'Shits happened'?" Gusto ko lang talagang linawin kung ano ang parteng 'yon dahil wala na 'kong magagawa sa ngayon dahil nakasakay na kami sa bus.
"Pagkagising ko, nakaupo pala ako sa hagdan ng tramway. Wala na ang mga kasama ko."
Napaatras ako sa kinauupuan ko. "Hindi nga? Natulog ka sa hagdan ng tramway?"
Hindi nawala ang ngiti niya pero nadagdagan iyon ng bahagyang pagkalito. "Ikaw lang naman ang inaalala ko. I wouldn't even rent a place kung ako lang mag-isa ang umaalis."
"Sa'n ka natutulog?"
"Kahit saan maabutan ng antok."
Oo nga pala. "Ano'ng nangyari? Nahanap mo ang mga kasama mo?"
"Syempre, iisa lang naman kami ng hotel na tinuluyan. Akala ko no'n iniwan nila ako, ako pala ang biglang nawala. Actually, si Lily lang ang nakauwi sa hotel at nakatulog doon."
"Ilan ba kayo?"
"Lima."
"Ilang taon ka no'n?"
"Fifteen? Sixteen? Pero syempre may kasama akong twenty year-olds. I used fake IDs, of course."
"Ano ngang nangyari sa inyo? Bakit nagkahiwa-hiwalay kayo?"