Chapter 64

20K 326 83
                                    





Biglang nagmellow down si Sir Kyle at Janice tapos ng isang linggong asaran sa loob ng klase. Okay na rin si Janice kasi hindi na nya nababanggit na ipapasalvage nya si Sir kay L. Nagulat nga talaga ako nung nagtanong sya kay Vincent kung may kakilala syang hired killer, grabe.

Lumipat pala ng apartment si Janice simula ng enrollment. Medyo malayo sa school ang kinuha nya dahil mas mura daw doon. Nagbabawas kasi ng gastusin si Janice dahil dito na titira ang anak nya kasama nya. Hinahanap daw sya nung tatay ng anak nya dahil umuwi na daw yun galing Australia.

“Umalis-alis sya ng walang sinasabi tapos ngayon hahanapin nya ko? Anong akala nya sa’min ng anak ko? Bagahe? Babalikan na lang pag may time? Gago pala sya eh!”

Galit na galit si Janice pagpasok ng school nun, mga dalawang linggo ng nakakaraan. Ang ending, nag-aya na lang sya na manood ng movie sa apartment nila ng anak nya. Pagdating naman sa apartment ni Janice, walang biro, ang ganda ng anak nya. Natawa lang si Vincent nang ipakilala sya na 'future daddy' ni Ira at binuhat ang bata sabay sabing ‘kuya’ Vincent ang itawag sa kanya. Mas komportable pala sya toddler kaysa sa baby na tulad ng kay Vaughn.. yung baby na pinabuhat ko sa kanya noong kumain kami sa Yakimix kasama ng mga pinsan ni Kuya Sai.

Nanood kami ng 'Happy Feet' dahil na rin sa kasama namin si Ira. Wala pa sa kalagitnaan ng movie, tulog na agad si Avery hawak ang cheese ring na kanina pa nya kinakain. Hindi rin makagalaw ang binti ko noon dahil sa lapag nakaupo ni Vincent at nakasandal sa’kin, kalong si Ira sa lap nya at nakasandal sa binti ko.

Balak ko nga rin sana matulog pero kinausap ako ni Janice.. tapos inasar. Talagang kinukulit nya ko na umamin kung may relasyon kami ni Vincent. Pati yung nangyari sa debut tinanong din nya. Wala naman talaga, anong magagawa ko? Gusto ko na nga sabihin sa kanya na binabantayan lang talaga ako ni Vincent dahil may unknown species na gustong manakit sa’kin saka alam ko namang hopeless ako sa sitwasyon naming dalawa dahil one-sided lang lahat, bakit pa ‘ko aasa? Wala lang din naman kay Vincent kung anong nangyari nung debut, bakit pa ‘ko magtatanong kung anong ginawa nya?

Iisipin ko na lang na panaginip yung debut ko, lalo na yung huling parte. Hindi ko naman din akalaing yayakapin ko sya nun at yayakapin nya ‘ko.. Hindi pa ‘ko nayayakap ng ganun sa tanang buhay ko. Yung sa higpit ng yakap nya, parang namiss nya ‘ko kahit araw-araw naman kaming nagkikita.. shet, nag-a-assume na naman ako.. Eh kasi naman, nung naramdaman ko yung dalawang kamay nya na pumaikot sa beywang ko, shet talaga. Parang nagkaroon ng ati-atihan sa loob ng puso ko.. naging jelly ace ang tuhod ko.. Nanlalambot pa rin ako pag naaalala ko, may gulay.

At nung tinitigan nya ko?.. Ewan. Noon nya lang ako tinitigan ng ganun. Parang.. nag-iba sya. He looked.. soft at that time. Mukha syang tao, alam mo yun? Ibang-iba sa Vincent na lagi kong kasama na kung makatitig parang laging handa sa gyera. Kahit natutulog, feeling ko gising pa rin sya. Kasi naman, sino bang natutulog ng siesta na nililingon ka every 15 minutes? Hindi ko nga alam kung bakit hindi sumasakit ang ulo nya sa ginagawa nyang yon. Kaya ayon, minsan naglalakad ako, minsan nilalakasan ko yung tawa ko pag nanonood ng TV para lang hindi nya ko lingunin. Kakahiya naman sa kanya, nagigising pa sya nang dahil sa’kin.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon