Chapter 35: The Killer, The Liar, and The Jeepney

25.5K 288 46
                                    

A/N: Kashock naman yun mga pare. Ang hahaba nga ng comment nyo. Trivia lang tungkol kay Ate Erin: Natataranta sya kapag madaming tao. Hindi nya kasi alam kung sino ang uunahin. Hahaha!

Special mention Cyber jacket winner na siElalalala.. Hindi ko matandaan yung dulo. HAHA. Paclaim yung cyberjacket sa comments section, nitag kita. :) Kasi nabanggit nya si Vice Ganda at lumelevel ang comment nya kay Mitch, nagulat talaga ako. Kay Otiama na sinubukang magcomment ng mahaba at mention ko lang yung hinala nya.. Malay mo, ORG nga.

Exempted si Mitch kasi batikan na yan sa pagkoccomment. Dapat dyan trophy na ibigay. Hahahaha!

********************************************************



Lakad-takbo pala yung ginagawa ko habang sya lang naglalakad palabas ng campus. Hindi man lang nya ako inisip. Baka kahit nakadapa na ko dito, hihilahin nya pa rin ako dahil akala nya naglalakad pa rin ako.. lecheng buhay ‘to.

Kinarir talaga ng lolo mo ang paghila sa’kin hanggang sa makalabas kami ng gate pero hindi na talaga ako makatiis, “T-teka nga!” Hinila ko yung braso ko sa pagkakahawak nya kaya nahinto kami malapit sa gate ng school. “Sa’n ba tayo pupunta?!”

“Nagugutom ako.”

Nagpameywang ako. “Kailangan kasama pa ‘ko, kakain ka lang?”

Inilagay nya ang dalawang kamay nya sa bulsa nya saka tumalikod sa’kin..“Sayang, ililibre pa naman sana kita..” Pumito-pito pa sya habang naglalakad ng dahan-dahan..

Hinabol ko naman sya. Syempre.. libre pangkain.. “Eto naman, bakit hindi mo sinabi agad? Hindi mo na ‘ko kailangang hilahin, tara na!” Itinaas ko pa yung kamay ko sa bay kanta ng theme song ni Dora kapag umaalis sya sa bahay nila, sakto nakabagpack ako. “Come on, vámonos! Everybody let’s go. Come on, let’s get to it. I know that we can do it.. Where are we going?” Saka ako pumalakpak ng tatlong beses at tumingin sa kanya.

Nakakunot naman yung noo nya habang nakatingin sa’kin. “What the hell are you doing?”

 “Shet pare, hindi mo kilala si Dora? Ang lakwatserang negra? Sya nagpauso ng kantang ‘to!” kahit sinong tao ata ang kantahan m nito, alam. Partida carrier single pa lang yan, wala pang full length album si Dora.

“I don’t know Dora.”

Tinitigan ko pa talaga yung mukha nya. Umiling ako sa kanya na parang nagtatanong na kung totoo ba yung sinasabi nya..

Umiling talaga sya.. at seryoso pa ang itsura nya. Grabe.. Kamusta childhood nito? Anong ginagawa nya nung mga panahong tumatambling si Boots sa ibabaw ng putol na puno? Napailing na lang ako.. “Tsk tsk.. Pag-uwi natin, ipapapanood kita ng Dora the Explorer since suspended naman ako sa CMAN. Kawawa ka naman, ang pangit ng childhood mo.” may CD ako ni Dora sa bahay. Hehe.

“Sinabi mo pa.”

That was the first time he agreed something on me. “WOW pare.. Improving..” Sumang-ayon talaga sya sa’kin..

“Ang ano?”

“W-wala.“ Tumawa ako. “So, sa’n mo ko papakainin?”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon