Pagdating ng weekend, natuloy ang bar escapade nila. Sabi ko ayoko pero makulit talaga si Alice. Wag na lang daw ako sumama kung ayaw ko, as if namang hindi ko pa rin sya susundan kung sakaling hindi ako sumama.
Hindi naman ata bakasyon ang nangyayari sa’kin.
Akala ko kasi mabait ‘tong babaeng ‘to at pwedeng iwan, hindi pala. Wala naman kasing sinabi sa’kin si Drew na may gustong manakit sa kapatid nya. At hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap kung sino yung nananakot kay Alice na lalong dumadagdag sa pagkabadtrip ko. Gusto ko na lang sya hulihin para matapos na ‘tong pagbabantay na ‘to.
Napagkasunduan na sa tapat na lang ng building na tinutuluyan ko magkita kita dahil on the way naman ‘to sa pupuntahan namin. Hindi ko akalaing ang mauuna sa usapan ay si Janice. Kakalabas ko pa lang sa elevator nang makita ko syang papasok ng lobby.
“Pupuntahan sana kita sa unit mo.” Nakangiting bati nya sa’kin.
“Nasa’n sila Avery at Zeke?”
“Deretso na daw sila sa Tomas Morato ni Avery.. By the way, you look good.” I’m only wearing a white shirt inside a denim jacket, paired with black pants and shoes.. My usual thing.
“Thanks, you too.” Which is true. She look sexy in those fitted shirt, denim jeans and heels.
I slid a hand in my pocket to reached out my phone but Alice already came running. “Late na ba ‘ko?”
“Sakto ka lang sa oras.” Sagot ni Janice.
“Follow me.” I walked towards the parking lot para kunin ang pulang Ford Fiesta ni Drew. Wala naman syang sinabi na bawal gamitin.
Agad akong pumasok sa loob at binuhay ang sasakyan. Nang bumukas ang pintuan ng front seat, agad kong pinaalalahanan si Alice, “Wear your seatbelt.”
Paglingon ko, si Janice pala ang umupo sa front seat. “Thank you.” Agad akong napatingin sa internal rearview mirror para tignan kung nasa likod si Alice.
Nandoon nga. “Okay ka lang dyan?”
Tumango naman sya kaya pinatakbo ko na ‘tong sasakyan.
On our way, they keep talking about senseless things kaya hindi na ko nakikialam sa kanila at mas nagfocus na lang sa daan. Nang abutin kami ng pagpula ng traffic lights, Tinanong ako ni Janice.
“Nakapunta ka na ba sa bar?”
“Yup, few times.”
“Oh? Ilang taon ka na ba?”
Napatingin na naman ako sa internal rearview mirror, nakatingin si Alice sa’kin. “19.” When I saw her frown, I felt a little down.. I wonder why. Lumipat na sa green yung ilaw ng traffic light kaya pinaandar ko na ulit ang kotse.