Chapter 21

25.4K 257 17
                                    

Ang inaabangang Abs ni Viper..  :3 -------------->>>

 ***************************************

Malungkot akong naglalakad palabas ng building.. Magsosorry ba ‘ko kay Vincent?



Sya na nga yung may kasalanan, ako pa magsosorry? Nagagalit lang naman ako kasi.. akalain mo ba namang sinabing galing ako sa condo nya? Baliw ba sya? Ni hindi nga kami nag-uusap sa school tapos bigla na lang magkasama kami sa condo nya? Tapos kay LESTER pa sinabi? NAKO! kakalat na naman yan, katulad nung break up namin.. Hayop talaga.



Ay shet. Si Lester pa pala.. Ayoko na ngang makipag-usap sa hayop na yon. Anong gagawin ko??



“Uy! Alice! I thought I wouldn't see you. kumusta?” Isang todo smile na lalaki ang tumawag sa’kin.

Sino ba ulit ‘to? Pamilyar eh..



AAHH!



Sya yung nagpadala ng pagkakorni korning sulat.. Yung nagtetext ng pagkakorni korning mga bagay.. Sya yung humingi ng number ko sa Coffeshop!

Si BRENT! AY PUCHA! “O-okay lang.. Bakit ka nandito?”


“Ahh, wala.. napadaan lang. I think it's destiny na nagkita tayo.”

Destiny? Okay ka lang kuya? “A-ahh.. Hehe. Sige, aalis na ko, may pupuntahan pa kasi ako.. Bye!” Kailangang umeskapo, mahirap na.

Pero tinawag nya ko. “Uy teka! diba lunch time nyo? Let's have lunch together na rin. treat ko na.”

Napahinto ako sa paglalakad.

Libre? GORA! Lumingon ako sa kanya. “Sure. San ba?”

“Yey uhm.. Where's a nice place to eat ba?” Tanong nya sa’kin.

“Kila Ate na lang, masarap dun.” Dun din naman talaga ako kakain. hehe.

“Alright. Lead the way, Milady,” Milady?

May GAWD. Ano ba ‘tong pinasok ko?



Pagdating sa kainan, nasa table na agad sila Janice, Zeke at .. Vincent. Bakit wala si Avery? Dumiretso na kami sa pila.

Lumingon sa’kin si Brent. “What do you want?”

“Chicken na lang.. Uy, salamat ha?”

Ngumiti naman sya sa’kin. “Sure, kahit everyday pa kitang itreat.. hehe.” Gumanti naman ako ng ngiti kay Brent.

Tapos naming umorder, lumapit na kami at umupo sa table na kinaroroonan nila Janice.

“Guys, si Brent. Brent si Zeke, Janice at Vincent.” As if nothing happened earlier? Galing umarte nito a.

Ngumiti naman si Janice kay Brent. “Hello! I'm Janice.” Nag-offer pa ng handshake. Friendly talaga ‘tong si Janice..

“Hello Janice. Nice to meet you.”

“Nako, feel at home. Chos. haha. bastag wag ka maiilang ha? May isa pa kaming kasama pero parang hindi ata sya dadating.. Nga pala, pa'no kayo nagkakilala ni Alice?”

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon