Chapter 44

23K 254 26
                                    

  

Hindi pa ko dumidilat, ramdam ko na agad yung sakit ng buong katawan ko.. lalo na sa ulo. Parang binibiyak tapos bawat pintig sa sentido ko, lalong sumasakit.. Shet, ganito ba talaga ang aftershock ng alak? Sabi nila ladies’ drink daw yung pinainom sa’kin.. bakit hindi para akong nag-gym ng isang buong araw tapos itinigil ko kinabukasan?

Kinusot ko yung mata ko para naman ganahan ako dumilat..

“Good morning.” Talagang nakangiti pa si Vincent sa’kin. Nakaupo itong pa-indian seat at nagbabalat ng mansanas gamit ang swiss knife.

Hindi totoo to. Nananaginip lang ako.

Si Vincent ngingiti sa’kin? Imposible. Baka kay Janice..

Umikot ako sa kabilang side ng kama. Ano ba yan, hanggang sa panaginip, si Vincent pa rin? Tama na nga. Tama na yung kagabing nakita ko. Kalma na tayo, Alice. Dati mo pa namang nakita yon di ba? Sinabihan pa nga sya ng ‘I like you’ ni Vincent dati di ba? Nung wala ka pang gusto sa kanya kasi nakakatakot sya?

Bakit ang bitter ng dating mo, Alice? Hindi ka magugustuhan ni Vincent. Wala ka sa standards, walang wala.

Natauhan naman ako nang maramdaman kong itinulak nya naman yung likod ko gamit ang paa nya. “Oy, kanina pa ko nagugutom dito, magluto ka nga. Nahirapan ako sa’yo kagabi.”

Magkautos na naman! Akala mo ako maid nya! Leche!  Ay teka? Ano bang nangyari kagabi?..

Napaupo ako at mataimtim na pumikit. Pilit ko ng inalala yung mga nangyari kagabi..

“Anong ginagawa mo?”

“Nagdadasal ako, wag ka maingay.” Potek, ang pagkakaalala ko si Zeke ng kasama ko, bakit sya ang nahirapan?

Think.. Alice..

“Alice, umuwi na tayo.”

“Hindi ako s-sasama sa’yo.”

Humarap ako kay Zeke at.. “Binshent, tara na. Uwi na tayo..”

DUCK! Lalo akong napayuko.. hindi ko maidilat yung mata ko.. Kailangan maalala ko lahat pero paksyet, fragments lang yung lumalabas sa utak ko.. nagsisimula na kong magpanic..

“Ikaw, kung kani-kanino ka sumasama, dapat sa’yo hindi umiinom.”

“Ano ba...? Ayoko nga sa’yo.”

 

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon