Medyo maayos ang lagay ni Drew pagdating namin sa Paris, France. Talagang nagshades pa sya habang palabas ng airport. Feel na feel maging rockstar sa paglalakad nya akala mo paglabas sa departure area, maraming titili na babae sa kanya at magpapa-autograph.
“Aéroport Paris-Charles-de-Gaulle.” [Paris Charles de Gaulle Airport] Drew said with a perfect diction and pronunciation. I was actually taken aback from what I heard.
“You know french?”
Ngumiti sya sa’kin. “Kaya nga kasama mo ‘ko dito.” He took my hand as if it was his’ and walked outside the airport. We’re so comfortable having each other this close now that sometimes I can’t help but think when will this euphoric dreams were going to end. I am so happy that it hurts thinking we’re not going to be this close when we finished our mission..
“Voulez-vous aller au Musée du Louvre?” Napalingon na lang ako kay Drew na nakangiti sa’kin.
Ayoko sa lahat yung kinakausap ako sa lengguaheng hindi ko alam eh, nagmumukha akong tanga. “English, motherfucker. Do you speak it?”
Tumawa naman sya sa sinabi ko. “Tinanong kita kung gusto mo pumunta sa Louvre Museum.”
“Tapos nagtagalog ka, ginagago mo ba ko?” Pa’no English ang reply ko tapos nagtagalog. Di ba pag English ang ginamit na laengguahe sa tanong dapat English din ang sagot?
Lalong natawa si Drew sa tanong ko. “Kaya ba kitang gaguhin?”
Lumingon na lang ako sa ibang direksyon, nakakainis. Simpleng banat lang ni Drew, kahit hindi halata, iba pa rin epekto sa’kin. Konti na lang, papakasalan ko na to sa Vatican. Malapit-lapit na rin kami doon, Hahahaha!
Sumakay kami sa taxi at agad dumiretso sa hotel. More or less 26 to 30-square-metre ang laki ng kwarto na kinuha ni Drew, fully furnished with a queen-sized bed and a large work desk with high-speed Internet. I sneaked into the medium-sized bathroom with limestone flooring, soaking tub and a stone-enclosed rain shower.
So, this is a standard room in Park Hyatt Paris-Vendome.
“Bakit isang kwarto lang kinuha mo?” Nakakatakot ‘tong ginagawa nya ha. Sabi ng malapit lang ang Vatican dito. Sa bagay, naman namin kailangan ng kasal. Minsan iniisip ko.. actually, sa eroplano ko lang naisip. Hindi ko naman kasi akalaing darating ‘tong panahong magkakasama kami ni Drew ng ganito katagal at ka.. lapit. Yung tipong pwede kaming mamuhay ng ilang buwan na parang hindi si Lily at Ace. Na kami si Ella at Drew na nasa Isang honeymoon cruise. Lakas ng loob kong pangalanang honeymoon cruise ‘to, eh hanggang kiss pa lang kami. Aminado naman akong bitin kasi sya rin yung unang humihiwalay at naiintindihan ko. Masakit yon para sa kanya, Hahaha! Ako na talaga nagdesisyon kung anong nararamdaman nya eh no?
“Hindi ka naman matutulog dito di ba?” Pumunta sya sa terrace ng kwarto at dumungaw doon. “You could shop at Rue de la Paix before we do the assignment.”