A/N: Paalala ko lang, hindi po Gangster shit 'to. Assassin shit to. Mayroong nine-meter-thick line in between 'Assassins' at 'Gangsters'. Isa pa iba ang perception ng 'gangster' dito sa watty at sa totoong 'gangster'.
I'm sorry if I offended anyone, but the concept of 'Gangster' here in wattpad is.. basta. Hindi gangster ang tawag sa kumakalat na concept na yon. Ang tawag doon, basag-ulo o tarantado. Nagsasawa na kasi ako dahil puro 'Gangster' ang sinasabi, hindi naman in character or yung sa plot. Puro naglalandiang teenager lang yung nababasa ko. Aral muna bago kilig. Marami nyan pag nagtrabaho ka na. May pera ka na, may kilig ka pa.
This story is an Assassin shit, okay?
★
*****************************************************
Hindi ganito ang inaasahan kong birthday. I was supposed to be lying on my sofa, drinking beer while watching an epic movie, pero eto.
Eto ang nakukuha ko.
“Sa’n ako lalabas dyan. Drew?! Tignan mo ‘to.” Turo nya sa blueprint ng bahay na papasukin namin bukas ng gabi. Nakaupo kami ngayon sa mesa, hindi para kumain ng invisible na handa ko kundi para pag-aralan kung paano kami makakalabas ng buhay.
One way ang in and out sa bahay na yon at sobrang taas ng mga pader para tumalon. malawak ang garden at nasa gilid ang mga puno kaya walang tataguan.
Sa totoo lang, nagkakapikunan na kami ni Lily. Naasar na rin ako dahil pataas na nang pataas ang boses nya, dahil siguro sa hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung paano sya lalabas. Lalo pa tuloy akong naaasar kasi parang hindi nya alam na birthday ko ngayon. Alam ko naman na hindi dapat ako umasa na alam nya pero..
“ANO?!” Sumigaw pa ulit sya.
“..” Mas madali naman talagang pumasok doon kaysa lumabas. May mga bodyguards sa bawat entry ng bahay.. approximately seven people. CCTV cameras are everywhere at kaya ko lang i-block ang mga camera for 3 minutes. Pinaplano ko nang sumama sa loob para mas kung may mangyari man, kaya ko syang mailabas. Kahit sya lang.
“ACE!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at.. “PWEDE BA MANAHIMIK KA MUNA?!” Lalo akong natataranta sa inaakto nya. Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang mga daliri ko.
Ngunit imbis na matakot sa sigaw ko, padabog syang tumayo mula sa kinauupuan nya at tumingin sa’kin. I could feel her anger, raging as she mold both of her hands into a ball fist. “Manahimik?! Pwede akong mamatay bukas ng gabi tapos manahimik ako?!”
Sinalubong ko ang tingin nya sa’kin. “Hindi ka mamamatay bukas.”
Tumawa sya pero hindi ko naramdaman na natutuwa o natatawa sya sa usapan namin. “Pa’no ka makakasiguro na hindi ako mamamatay bukas? Anong gagawin mo? Pipigilan mo yung mga bala na para sa’kin katulad sa Matrix? Gago ka ba? Ni hindi mo nga ako kayang maisip kung pa’no mo ko ilalabas sa tanginang bahay na yan nang hindi nasusugatan eh!”