A/N: At dahil napupuno ang inbox at comments' section ng tanong kung nasa'n si Enteng, eto na sya. Wag magalit kay Erin. Si Enteng ang umalis, hindi daw sya. Hahahaha! ---> Enteng sa multimedia section. :D
*************************************
Mali ata ang desisyon kong pumunta dito sa Oxford ngayong winter dahil kailangan ko na namang mag-adjust sa napakalamig na klima dito. Kadaraan lang ng pasko na itinulog ko lang rin naman.
I tried to divert my attention on my daily regimen I made ever since I left for school. Morning routine consists of reading broadsheets at breakfast, running and doing household chores.
Living alone in another country looks like luxury when in fact, it isn't. I got to do everything on my own because the hourly rate of a helper here can feed me a main course with dessert at a luxury hotel so I'd rather clean everything than pay three times the hourly rate. Though I can afford to have a helper, I’d still go with this routine that I made seven years ago. Masyadong sayang sa financial resources kung kaya namang gawin mag-isa.
Also, I’ve been refreshing my memory by reading medical books in the afternoon but there are these moments that really struck me like yesterday. I was making omelette for myself and suddenly Alice pops in my head. Well, not specifically her but our time in Palawan. My mood instantly elevates then drops so I just shrugged it off..
Every time. And most of my memories with her make me smile or even laugh that I can’t ignore it easily. Sa sobrang eagerness ko na lumayo sa kanya, nawala sa loob ko ang resulta ng DNA test bago ako umalis. Maybe I’ll ask the hospital to mail them here dahil ayoko nang bumalik ulit doon. Muli kong kinuha ang folder na pinadala sa’kin ni Drew at tinitigan ulit ang Birth Certificate ko.
Type of Birth: Twin
If multiple birth, child was: 2nd
Birth order(live birth and fetal deaths including this delivery): 2nd
Total number of children born alive: 2
Number of children still living including this birth: 2
Bakit nilagpasan ‘to ng mga mata ko? Twin?
Napahilamos ang palad ko sa mukha ko. Hindi ko na alam kung anong dapat isipin sa lahat ng nangyayari sa’kin. Sobrang gulong-gulo na ang isip ko na hindi ko na alam kung anong tamang gawin. Parang pinapaasa ko lang sa wala ang sarili ko sa lahat ng ginagawa kong ‘to.
Kung may kambal nga ako, babae o lalaki? Nasa’n sya?
Saka ko lang naalala ang panaginip ko.. Aki? Adrian? Si Bullet lang ang kilala kong Adrian.. so, maghahanap na naman ako ng bangkay? Punyeta. Itinapon lang ng ORG sa kung saan ang mga bangkay nila kaya malamang, inanod na ‘yon sa kung saan.
Pilit kong inulit sa utak ko nang maraming beses ang dalawang pangalan na ‘yon. Hindi ko alam kung maniniwala rin ako sa panaginip ko, wala namang basis yon. Wala ring apelyido o kahit ano and besides, karamihan ng mga bata ay nagbabago ang itsura kapag lumalaki.