“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!”
That squeaky scream fucked up my whole system, followed by a kick that threw me out of the bed. I instantly hit the ground, facing the carpeted floor. “A-aahh..--” I carefully touched the first part of me that hits; my hip. “Why didn’t I expect that I would be kicked out of my own bed, first thing in the morning?”
“Leche ka! Bakit ako nandito?! Alam mo naman ang bahay ko di ba!” A sting of sunlight bore unto my eyes. I quickly covered it with my arms.
Then a long silence filled the room. What would she do now? Stab me on the back? I felt she walked near me and starts to poke my bare back.
“Poking me won’t make it disappear.” Felt drowsy.. I forgot, my back had these fine lines from the whip when I was a kid. Lily and Drew got their’s removed but I want something that would remain in me. Something that would remind me of who I am.
“Ano to?”
“Scars, obviously.” She traced the lines on my back.
“Bakit ka meron nito?”
“Sabi nang wag magtatanong ng bakit eh.”
“Hmmm... Anong nangyari sa’yo at nagkaroon ka ng ganito?”
She just rephrase the question. Ano akala nya sa’kin? Tanga? “Umagang umaga sinisimulan mo ko, Alice.”
“Wala namang ‘bakit’ dun sa tanong ko di ba?”
“Just let me sleep.. Pagod na pagod ako kagabi kakalakad.” I still feel tired from the walking and all..
Then she hits me on the head. “AAAHH..!”
Napatingin na ko sa kanya. What the fck?!
“Bakit dito mo ko dinala sa condo mo ha?! May bahay ako! Saka sino may sabing palitan mo ‘ko ng Tshirt?!”
“Kung hindi ka lang..” Kapatid ni Drew, itatapon talaga kita sa bintana. Wala akong nagawa kundi kamutin sa parte ng ulo na tinamaan ko.. Ang sakit kaya?!
“Inampon ng kaibigan mo, napatay na kita. Oh ayan, tinuloy ko na. SAGOT!”
“Bakit ba ang ingay-ingay mo?!”
“Eh bakit kasi dito mo ko dinala?!”
“Alam mo ba kung ga’no ka layo yung nilakad ko? I walked non-stop for more or less four miles, Alice! Sa tingin mo kaya pa kita iuwi sa apartment mo? Saka pag pinabayaan kitang pawisan sa suot mo, magkakasakit ka. Nag-aaral ka ba ng major mo ha? Basic knowlendge yon and besides, I’ve seen hundreds of bodies, dead or alive. I doesn’t mean anything anymore.” Beside, I didn’t remove any unnecessary things like undergarments, just my polo.
“E-eh.. B-bakit dito ka sa kama natulog?”
Pati yon issue? “Sana sinabi mong gusto mo pala matulog sa sofa. I’m not giving up my bed just for you.”
Napatulala lang sya sa’kin. “Know what? Instead of whining, magluto ka na lang. Baka matuwa pa ko sa’yo.” Bigla akong nagutom sa naisip ko. Hindi nga pala ako nakakain kagabi sa sobrang pagod.
“Ayoko.”
“You please everybody with your vicious lies, why not please me?”
“Uuwi na ‘ko,” Tumayo sya at naglakad but I grabbed her ankles.
“Magluto ka muna.. Nagugutom na ako..”
Hinihila naman nya yung paa nya pero hindi ko pa rin binibitiwan. “Ayoko! Alisin mo yang kamay mo sa paa ko!”
“Pag nakapagluto ka na, saka ka umalis.” Nagugutom na talaga ako..
“Pa’no ako makakapagluto kong hawak mo yang paa ko.”
I sat and looked at her. “Alam mo naman siguro ang mangyayari pag tumakbo ka?”
Saka ko binitiwan yung paa nya.
Biglang magriring yung phone ko. I hurried to my phone.
“Lily! Oh? Napatawag ka?”
[VINCENT! Anong gusto mo ng pasalubong? Papunta kaming Japan..]
“Haponesa, pwede ba?” Saka ako tumawa.
[Yung pwede namang iuwi, saka yung maliit lang.]
“Gusto ko malaki..”
[Gago ka talaga! Yung seryoso naman kasi..]
“Basta makauwi ka lang ng maayos, okay lang kahit wala kang dala.” I smiled at the thought.
[Ayiee.. Vincent.. Hahaha!]
“Sige umuwi kang walang paa, kundi ako puputol nyan.”
[Ang thoughtful mo talaga kahit kailan.]
Tumawa lang ako.
[Leche ka talaga, Sige na! Alam ko na dadalhin ko para sa’yo. Laki ng tulong mo ha?]
“Gusto ko maputi, Saka mayaman sa---”
[LIBRO! Libro ang iuuwi ko hayop ka! Nakakapagbasa ka ba ng Japanese characters?]
Minsan talaga nakakatuwa paglaruan ‘tong si Lily, akala mo inosenteng babae, hindi naman. “Pwede na yan.”
[Tinatanong kita kung nakakapagbasa ka ba ng japanese characters?!]
“Who cares? Thriller/Action gusto ko.”
[Punyeta ka talaga. Tinatanong ka ng maayos,]
Si Alice pala! Nakalimutan ko. Paglingon ko sa likod ko, wala na sya. Arse. “Baba ko na, nagugutom na ‘ko.”
“Binabantayan mo pa rin yung kapatid ni Drew?”
Bago yun ah. Alam nyang may kapatid si Drew at.. Drew talaga ang tawag nya. “Yeah. Ang sakit na nga ng ulo ko.”
[Ganyan lang daw talaga si Alice, pero mabait daw yan.] I bet there’s a smile on her face while she said this.
Don’t tell me.. “Lily? What the fuck are you two doing?”
[...]
“Don’t tell me I didn’t warn you two.”
[W-wala n-namang--]
“You know I can’t say no if I’ll be appointed as the executioner.” I hung on the phone even before I hear something ridiculous.
Kumuha lang ako ng Tshirt sa cabinet sa ka patakbong lumabas, baka nasa Lobby na si Alice.
Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko syang nagluluto.. Nice. Sumusunod din pala ‘to paminsan-minsan. Pumunta ako sa likod nya para sumilip. “Ano yan?”
Niluluto nya yung bacon.. tapos nakita ko sa gilid yung sunny side up.. Cool.
Hindi kasi ako marunong magluto ng sunny-side up. Nababasag ko yung yolk. Kumuha na ‘ko ng kubyertos saka pumunta sa counter. Nagugutom na talaga ako.
Maya-maya pa, nilapag na nya ng bacon, sunny side up at tinapay.. fuckyeah. Saka sya pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung tinapay saka nilagyan ng bacon at sunny side up sa gitna..
Isusubo ko na sana yung tinapay nang makita ko syang lumabas ng kwarto kasama ng nya.
“Hindi ka kakain muna?” Pabor.
“Bahala ka sa buhay mo.”
Sya pa nagalit? Ako na nga sinipa nya paalis ng sarili kong kama?
Sinundan ko sya hanggan pintuan. Bakit ang tahimik ata magalit nito? “Oy, teka! Rubbershoes ko yan!”
“Ibabalik ko bukas.” Saka sya umalis.
kahit kailan talaga hindi ko maiintindihan ang mga babae. Tsk.
Bumalik na lang ako sa counter, mas masarap kumain. Biglang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi. Pakiramdam ko konektado yung condo incident sa kagabi.. Tinignan ko kasi yung CCTV ng building, Delivery boy ng pizza yung kumakatok. Nakacap pa sya para hindi makita sa CCTV yung mukha nya. Pa’no naman mangyayari yon eh hindi naman ako nagpapadeliver ng pizza, and I don’t fancy pizzas either. And the knocking, it was too much for an order of pizza. Umalis lang sya seconds before I arrived..
Now this? I clearly don’t see anyone suspicious, plus the fact that the whole vicinity is guarded, he or she must be an A+.
Could it be the ORG?
Do they know what are we doing?
The ORG’s not the ‘teasing’ type. They wouldn’t leave bloody dress layin’ around, they go for an immediate kill. If it’s not the ORG... He or she could be anywhere.
Pero sino?
At bakit?
Fuck. Bigla kong hinabol si Alice palabas ng building.
______________________________________
Nayamot ako, hindi ko alam kung bakit. Para akong nawala sa mood na.. ewan. Pinagluto ko na lang sya saka ko umalis.
Pagbaba ko sa condo ni Vincent, dumiretso ako sa elevator. Wala namang tao kaya derederesto lang papuntang lobby saka ako lumabas.
Bigla kong naisipang bumili ng ice cream, maalis lang ‘tong pagkayamot ko.
Nasa gitna na ako ng kalsada nang makita kong may paparating na mabilis na kotse patungo sa kinatatayuan ko..
Saka may humila sa braso ko papunta sa sidewalk.
“ALICE NAMAN!” Paglingon ko sa humila sa’kin, “Nag-usap na tayo kagabi di ba? Naintindihan mo ba lahat ng sinabi ko ha? Malilintikan ako sa ginagawa mo!” Napahilamos pa sya sa mukha nya. “Yung dumaang kotse na yon?” Sabay turo sa palayong kotse na dapat na babangga sa’kin. “Sila yung gustong pumatay sa’yo, Alice. Kaya kung hindi ka mag-iingat, pareho tayong mamamatay.” Kinabahan ako sa mga huling sinabi nya.
“P-papatay?”
“Hindi kita pinagtritripan tulad ng bintang mo sa’kin dahil ako mismo, hindi ko alam kung sino ang may gawa ng mga nagyayari sa’yo. Ngayon kundi ka makikipagcooperate at paiiralin mo yang katangahan mo, sabihin mo lang para hindi na ‘ko napapagod kakasagip at kakabantay sa’yo.”
“B-bakit?” A-ano?? W-wala naman akong kaaway ah? Papatay sa’kin?
Napatingin sya sa mga mata ko. “Hindi ko alam.” Parang nainis pa sya sa sinabi nya. “Kaya stay close. Don’t leave without me, understand?”
Napatango lang ako.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa’kin..
“C’mon, I’ll walk you home.”
_____________________________________
“Bakit ka nakasimangot dyan?” Tanong sa’kin ni Drew saka umupo sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa waiting area ng airport.
“Binabaan ako ni Vincent ng phone.”
Inabutan naman ako ni Drew ng Frappe. Caramel.. Nice. “Wag mo na lang pansinin, baka naiinis lang sa kapatid ko. Medyo malikot din kasi yon, gala nang gala. Wala kasing makausap sa apartment nya.”
“Hindi eh..” Parang.. May iba. Ewan ko kung ano yun pero alam kong may nag-iba kay Vincent. Hindi naman kasi gawain nun na babaan ako nang dahil lang sa nagmamadali o asar sya.. Pikon yun, pero hindi ko pa nakikitang magalit si Vincent ng todo.
“Nakakapagselos yan ha.”
Napatingin ako kay Drew.. pero tinawanan nya lang ako. “Nagbibiro lang ako.”
Tsk. Sayang, akala ko pa naman totoo na. Hahaha!
Calling all passenger of HKD2698 going to Tokyo, Japan, please proceed to the departure area..
Agad kaming tumayo ni Drew at pumunta ng departure area. Habang chinecheck yung gamit at documents na dala namin, naiisip ko na yung sunod na assignment namin.
Dito na ata kami mamamatay, Batman Help.