Katatapos lang naming magbayad ni Lester ng downpayment ngayong first semester.. Ang hirap talaga maging mahirap, pati pag-aaral nagigipit.
Anim na buwan pa lang kaming magkasintahan ni Lester pero wala akong masabi sa kanya. Although alam kong minsan nasasangkot pa rin sya sa gulo dahil sa kinabibilangan nyang gang, okay lang naman sa'kin. Hindi na rin naman sya makakaalis doon.
Kanina nung nasa cashier kami, kumuha ako ng papel. Isinulat ko ang pangalan at student number ko, pati na rin yung amount na babayaran..
Sevilla, Alice T.
#76846
16, 9485.58Php
Akala mo pila sa Willtime Bigtime ‘tong nasa cashier. Pag may sumingit, papatayin ko gamit ang nailcutter. Sisimulan ko sa ilong.
Ang hirap magbitaw ng pera.. Di bale, para sa pag-aaral ko rin naman 'to. magiging registered nurse ako.
Pinag-aaral ako ng gobyerno simula nang mamatay ang magulang at kuya ko noong pitong taong gulang pa lang ako.. Sa mga tyahin ko talaga ako unang napunta pero kinuha lang nila ako dahil akala nila may makukuha silang pera kapag inampon nila ako. At nang malaman nilang wala silang makukuhang kahit ano, ginawa nila akong alila sa bahay. At nang hindi ko na matiis ang pangmamaltrato nila sa'kin, naglayas ako at nakuha ng DSWD. Pinag-aral nila ako at nang maghighschool ako, may umampon sa’kin.. pero hindi ko sya nakikita.
May nagchecheck sa’kin buwan-buwan, kasabay noon ang papadala sa’kin ng pera para sa panggastos ko, at kapag tinatanong ko kung sino yung nag-ampon sa’kin, sabi nila hindi rin daw nila pwedeng sabihin.. Ang weird.
Kumuha na rin ako ng part time job bilang waitress sa isang coffeeshop para makabawas sa gastusin. Nakakahiya naman kasi sa nag-ampon sa’kin kung magpapakasasa ako sa pera nya.. Hindi naman kami magkadugo para ampunin na lang ng gano’n.
Minsan sa isang buwan nagpapadala ako ng sulat sa umampon sa’kin. Pinabibigay ko dun sa pumupunta na tauhan. Ang hindi ko lang alam eh kung nakakarating ba o nababasa nya..
HAAY.
Hindi pa umabot yung general weighted average ng grades ko para maging full scholar kaya tiis lang muna ngayon sa pagiging half scholar.. Ang laki ng binayaran ko.. At ang mahirap talaga sa lahat, walang nakakaalam sa buong eskwelahan kung anong pinagdadaanan ko..
Because I am Alice T. Sevilla, Miss Prim and Proper. May nanay at tatay na laging nasa ibang bansa dahil sa ‘business’ namin. . I have a huge condo unit near the school when in fact I’m living behind the condominium. Sa likod kasi noon may lumang building na maliit at ang rooftop doon ang inuupahan ko, mas mura dahil maliit lang ang lugar.