Chapter 33

24K 247 30
                                    

A/N: Yung moment na dahil wala ka nang oras, nagpaproofread ka ng chapter 32 sa dalawang tao. Yung unang nakabasa (Si Maui 'to) inuna kilig kaysa proofread. Buti na lang nandyan si Hunnydew.. Salamat na rin kasi sumaside comment pa sila sa draft.

Salamat mga kapwa Otter. HAHAHA! Otter? XD 

Lily on the side yow, malalaman nyo rin kung bakit ganyan yung picture. Si Drew kasi eh. haha.---> 

*********************************************************** 

 



After the.. uhh.. incident, thing got well between me and Ella. Shet, pag naaalala ko, kinikilig ako. HAHA! Nagpapaenglish na rin ako dahil don, de joke lang.

 

Every morning, ginigising nya ko. Minsan nagtutulug-tulugan na lang ako para puntahan nya ko sa kwarto ko. Malapit na rin ang isang buwan pero wala akong makitang pangalan ni Vincent. Hindi kasi codenames ang nakapangalan sa mga folder kundi real name.. Nakita ko na yung sa’min ni Lily, pati ang kina Ram at Bullet. Saka ko lang napansin na may pictures na nakaattached sa mga files.. Badtrip. Ngayon uulitin ko na naman ang paghahanap, pero this time sa pictures na ‘ko titingin. Aabutin na naman ako ng ilang buwan nito sa sobrang dami..

 

“Sige gutumin ang sarili! Wag ka kumain ng tanghalian!” Sigaw ni Ella mula sa labas ng kwarto. Daig ko pa may asawa nito eh, pero okay lang.

 

Inilapag ko sa kama ang laptop na hawak ko saka lumabas.

 

“Eto naman, kakain ako.” Umupo ako sa mesa na may nakahaing ulam.. Napatitig ako. “Ano ‘to?”

 

“Wag ka na magtanong, luto ni Lily yan.” umupo naman sya sa tapat ko.

 

As in para lang syang pinaghalo-halong.. gulay at karne na may dark brown na malabnaw na sabaw..

 

“Kakain ka ba?” Tanong nya.

 

Hindi ko alam kung plano ata nito akong patayin eh. “Kakain ako.” naknang.. Wala naman kasi akong choice. Actually meron pero.. baka mamatay nga ako ng maaga pag sinabi kong gusto ko kumain sa labas. Kumuha ako ng isang serving ng ulam.. pero isang kutsara lang talaga. kinakabahan kasi ako.

 

Kinuha ko yung gulay.. basta dahon sya, tapos.. Napalunok pa talaga ako bago ko sinubo. Nguya ng konti.. SHET! Napadilat ako. Nakatingin pala si Ella sa’kin.. Saka ko tuluyang nginuya yung isinubo ko kanina.

 

“Ano?”

 

Tumango ako. Nagthumbs up pa para cool.. pero ang sama ng tingin nya sa’kin. Masarap naman kasi talaga. medyo naovercook lang yung gulay pero the rest, okay na.

 

Biglang nagring ang phone ni Lily.



“Oh?”

 

“..”

 

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon