Chapter 19

24.7K 261 26
                                    

Pagpasok ko sa klase, nandoon agad si Zeke sa upuan nya.

“Good morning.” Bati ko sabay upo.

“Good Morning din, Alice.” Saka naman ako ngiinitian ni Zeke.

Napasilip ako sa phone ko.

Janice
Kain tayo ulit kila Ate ha? Isasama ko si Avery at Vincent, see you there. :)

TO: Janice
Sure. :)

Nang dumating yung prof namin, nagsitahimikan na kami.. Sa kalagitnaan ng discussion, nagtanong si Zeke sa’kin.

“Alice, may kilala ka bang Avery Villahermosa??”

“Avery..” Napaisip ako.. “Ay, oo. Bakit?”

Napangiti naman sya saka umiling. Alulululululu.. kumekerengkeng? “Gusto mo makilala si Avery?"

Napatingin sya sa’kin na parang yung buong pag-asa nya e nabuhay bigla.. tapos yumuko. Haha. Playing cupid ang drama ko.. HAHAHA. Gusto ko to.

Napalingon naman ako kay Zeke. “Gusto mong sumabay sa lunch mamaya?Baka kasabay namin si Avery.” Kailangan ngumingiti ng ganon pag nababanggit ang pangalan ni Avery?

“Sure.”

Kinikilig ako,  MAY GULAY. Dito na ba ako makakawitness ng  happy ending? pag naiisip ko..

AYYYYYYYYIEEEEEEEE!!!

Pagtapos ng subject namin pinauna ko na si Zeke sa kakainan namin dahil nakakahiya naman kung hihintayin nya pa ko, e pupunta akong CR. Saka tineks ko na rin si Janice na kasama si Zeke kaya hindi na magugulat yun.

Tapos magrelease ng toxins.. Kalmado na system ko. pwede ng gumera.

I was on my way down the stairs when I saw Lester. Nasa baba sya ng hagdan, nakatingin sa’kin. Buhay pa pala to.

Dumiretso na ko ng lakad, wala naman akong mapapala dito. Dumiretso lang din sya ng lakad. Nang makarating kami sa gitna ng hagdan at nakalagpas na ko sa kanya, tinawag nya ko.

“Alice.”

Nagchin-up talaga ako saka lumingon sa kanya. “Bakit?”

“A-aahh.. Wala. hehe..” Pero sa galaw ng mata nya, parang may sasabihin talaga sya. Hindi ko na lang pinansin.. wala na rin akong pakialam.. wala rin naman syang pakialam sa’kin nung masaktan ako.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon