Parang wala lang. Walang nangyari. Ako lang ata ang naapektuhan sa debut.. sa lahat. Ako ang naiilang na natataranta na ewan kapag nandyan sya pero sya.. nanunulat pa rin sa notebook, natutulog sa klase, ilang beses na ipinahiya ng professor kasi nga hindi nakikinig at hindi nag-aaral ng maayos. Pag-uwi, ihahatid-sundo ako sa CMAN tapos kakain sa bahay saka uuwi sa sarili nyang bahay.
Paulit-ulit lang hanggang sa dumating sa huling araw ng semester.
Halos dos ang nakuha nya, pwera sa isa na ibinagsak nya. Yung iba mas mababa o mataas ng isang baitang. Nang tanungin ko sya tungkol sa grade nya, kailangan daw nyang mag-‘blend in’ kaya hindi nya sinusubukang mag-excel at ayaw nyang malagay sa dean’s list.
“Akala ko nga bagsak ako sa lahat ng subjects, baliktad kasi ang grading system dito at sa pinasukan ko doon.” Dagdag pa nya. Okay lang daw sa kanya dahil hindi naman talaga sya gumawa ng term paper at hindi na rin sya mag-eenroll next semester.
As usual, hindi na naman nya ko pinansin hanggang sa makalabas kami ng campus. Magluto na lang ako sa bahay pag-uwi. Off ko rin naman sa CMAN at wala akong pupuntahan. Nauna na 'ko maglakad kay Vincent dahill minsan pag trip nya, nagmamabagal talaga sya lalo na pag feel na feel nya yung pinakikinggan nya.
Tatanungin ko sana sya kung anong gusto nyang ulam pero paglingon ko sa likod ko, hindi ko na sya nakita.
Nasa’n na naman kaya yung pusang yon?
Kakahanap ko, napatingin ako ng diretso sa kabilang kanto at nakita syang naglalakad papalayo sa dapat na direksyon namin. Saka ko lang din napansin ang bagpack nyang itim.. hindi naman nagdadala ng bag yan kasi ano nga namang dadalhin nya kung lahat ng ginagamit nya sa eskwelahan eh sa’kin galing?
Lakad-takbo ang ginawa ko para mahabol sya dahil patawid na sya ng kalsada.
“VINCENT!”
Buti lumingon. Hingal na hingal akong huminto sa harap nya. “Sa’n ka pupunta?”
“Airport.”
“Airport?” Anong gagawin nya dun? Wala naman syang nabanggit na.. POTEK! “AIRPORT?! Aalis ka na agad?!”
Tumango sya. Grabe talaga tong lalaki na ‘to! Hindi man lang nagsasabi! Halos lahat na lang ng ginagawa nya biglaan! Kundi ko pa naabutan, hindi ko pamalalamang aalis na pala sya!
“Bakit hindi mo sinabing ngayon ka aalis?!” Asik ko.
“Kailangan ko bang sabihin lahat sa’yo?”
Natameme ako sa sinabi nya. “H-hindi pero sana..” Nakapagpaalam man lang ako ng maayos.. sana.. Bakit naman kasi sobrang atat nya umalis..