Tatlong araw pa bago nakalabas ng ospital si Ace dahil gusto kong makasiguro na okay na talaga sya. Sabi nya okay na daw sya at pwede nang lumabas agad-agad pero ayoko. Sa susunod hindi na talaga ako aalis kahit paalisin nya ko. Mas nakakamatay maghintay kaysa sa lumaban.
“Mas malala pa nga dito ang inabot namin ni Vincent. Muntik na talaga kaming mamatay doon dahil hindi kami makalabas ng building. Nag-automatic shutdown ang buong hotel dahil sa‘min.” Natatawa nyang sabi sa’kin.
“Anong ginawa nyo para makalabas?"
“It turns out na legal member pala ng MI5 si Vincent pero nasa internal shit ata sya, hindi ko lang alam kung saang parte. Sabi nya isa kami sa mga guests doon nang mangyari ang patayan at nabaril kamidahil sinubukan naming pigilan ang mga pumatay sa isa sa mga Minister ng Cabinet Office. May ID pa syang pinakita sa kasapi ng CO19 Force Firearms Unit na unang nakakita sa’min.”
“MI5? CO19 Force Firearms Unit?”
“Parang FBI ng England ang MI5 habang ang CO19 Force Firearms Unit ang SWAT. Tawa nga kami ng tawa kasi nabigyan pa sya ng honorary shit. Walang nakaalam sa totoong nangyari dahil fabricated ang mga footage sa CCTV cameras, kundi huli talaga kami.”
“As usual, ikaw ang nagfabricate.”
Tumawa lang sya. Yun talaga ang purpose ni Ace sa lahat ng mission kaya madalas magkasama sila ni Viper sa trabaho. Si Ace ang nagpaplano, back-up at cover up kung sakaling nagkakagipitan na habang si Viper ang tiga-execute ng lahat. Minsan nag-aaway pa yan sa pagpaplano dahil parehong egoistic at walang nagpapatalo.
Dapat talaga dalawang aalis noon si Viper at Ace para mag-aral sa England pero hindi ko alam kung bakit nagpaiwan si Ace. Ilang araw syang kinumbinsi ni Sir Henry at Sir George pero ayaw nya talaga. Mas malinis kasi ang trabaho kapag silang dalawa ang magkasama kaya kapag mataas na tao ang pinapatrabaho, sa kanila ibibigay agad. Minsan kasi si Viper, bara-bara kung kumilos, madalas nilalaro muna nya yung subject bago tapusin at hindi na nag-iisip ng plano hindi katulad ni Ace.
Pwede silang magtrabaho ng magkahiwalay pero perpekto sila kapag magkasama. At rare lang sa Org magkaroon ng bond sa trabaho na katulad ng sa kanila dahil nga pare-pareho lang naman ang training na ibinibigay nila sa mga bata at konti lang din ang mga nagiging magkaibigan.
It’s like Ace is filling up what Viper lacks and vice versa.
Sa loob kasi ng tinitirhan namin, masyadong mahigpit ang kompetisyon. Hindi mo alam, may ibang bata na pala na naiingit sa’yo dahil lagi kang nangunguna. Marami sa kanila tatangkain kang lasunin o itulak sa mga terrace ng mansyon. Survival mode talaga dahil hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo.
Minsan nga kapag nagkikita-kita kami sa loob ng Org, kahit sa hallway lang, makikita mong medyo napapalingon ang ibang naglalakad kapag binabanggit ko ang pangalan nilang dalawa. Ganun ang impact nila sa loob ng ORG na kahit hindi namin kabatch, kilala sila.