A/N: Eto yung isa sa mga inspiration ko para buoin ang Viper. Dapat kasi one-shot lang 'to, eh parang ang cool kaya sabi ko gawan ko ng storya.. and I made this a year ago, kasabay ng Chasing Eunice. So there, nagpapasalamat po ako sa morbid kong utak at sa kantang Terrible things ng Mayday Parade (nasa multimedia section po), sila kasi ang nagtulong para mabuo 'to. Hahaha!
*************************************************************
Pinatawag ako sa ORG tatlong araw matapos ang engkwentrong nangyari sa condominium building na tinitirhan ko. Alam ko namang mangyayari 'to dahil kapwa ka-ORG ko ang muntik nang kumuha at pumatay kay Alice.
Akala ko talaga hindi na aabot ang babaeng yon sa ospital sa dami ng dugong nawala sa kanya, buti matibay. Tatlong araw na syang natutulog, nilulubus-lubos ata ang pagpapahinga.
“I heard you killed three of our kind. First time mong gawin 'to.” Bungad sa’kin ni George papasok ng opisina nito.
Umupo ako sa gilid ng table nito, kinuha ang isang ballpen at pinaikot sa pagitan ng mga daliri ko. “They’re nuisance.”
“Hindi naman ako nagtataka kung bakit ka nandoon, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit dinepensahan mo ang babaeng yon. Nagtatrabaho sila.” Trabaho? Si Alice? Sino ang nagpapatrabaho sa kanya?
Imbis na magtanong, hinayaan ko syang magpatuloy sa sinasabi nya. “Sinasabi ko ‘to hangga’t maaga pa, Viper. Wag mong hintaying mangyari sa’yo ang nangyari sa kaibigan mo.”
Alam kong si Bullet ang tinutukoy nya kaya buong pagmamayabang akong nagtanong. “Bakit naman mangyayari sa’kin ‘yon?”
“I’m just giving you a warning, ayokong madamay ka sa kanila.”
I chuckled. “Wala namang kwenta ang mga tauhan mo, parang scarecrow sa talahiban.”
Tumayo naman si George at umiling saka umikot sa opisina. “No, no. Hindi akin ang mga taong iyon dahil pag nagkataon, pinatrabaho ko na lang ang babaeng ‘yon sa’yo para mabilis.”
Kung ipapatrabaho nya sa’kin si Alice, talagang importante sya. Gustong-gusto ko tanungin kung sino at kung anong motibo pero wala akong magawa. Alam nyang hindi ko pinapaikelaman ang isang bagay na hindi naman ako kasali pero.. tangina lang. Sino? Si Drew lang naman ang naiisip kong koneksyon para mangyari ‘to kay Alice. Ang alam kong usapan ng pag-iiwan kay Alice ay namamagitan sa ORG at kay Drew. At wala akong maisip na dahilan para gawin ‘to ng ORG dahil hindi lumalapit si Drew kay Alice.
“Alam kong tinuring mo nang kaibigan si Ace but don’t meddle with other’s businesses.”
I shrugged. “Trabaho lang, walang personalan.”