Tapos ng klase, naglunch muna kami ni Vincent kasama sina Janice, Avery at Zeke sa labas bago pumunta sa dress fitting at photoshoot na nakaschedule ngayong araw. Ako na nag-ayang kumain muna para makabonding naman namin sila Janice at inisip ko rin na baka maraming tao sa pupuntahan namin.
Masagana kaming kumain at galit-galit ulit ang barkadahan. Syempre, importante ang physiological needs natin ayon na rin sa Maslow’s hierarchy of needs. Wala lang, malagyan ko lang ng explanation kung bakit walang kumikibo. Kasi gusto ko silang tanungin pero sa yuko nila sa plato, parang ayaw nilang magpaistorbo.
“May kanin ka sa pisngi oh,” sabay nguso ni Janice sa mukha ko matapos kumain.
Pinunasan ko naman agad ang kanang pisngi ko. “Okay na?”
“Sa kabila.” Si Avery na ang nagmando sa’kin.
Pinunasan ko ulit ang kaliwang pisngi ko pero umiling ang dalawa sa’kin. Siguro hindi na nakatiis, humarap na si Zeke sa’kin saka tinanggal ang kanin sa pisngi ko. “Ayan.”
Ngumiti rin ako sa kanya. “Salamat.”
“Alice, kailan ba ulit birthday mo? Di ba ngayong October ka?” Tanong ni Janice.
“Sa 18.”
“Sumabay ka pa sa Finals. Pa’no tayo magsecelebrate nyan?” Angil ni Zeke. Nabanggit ko na kasi sa kanya na kasama sya sa mini-celebration ng birthday ko noong isang beses na nagdadaldalan kami.
“After finals na lang, kaya nga may tinatawag na 'belated happy birthday'.” Suhestiyon ni Avery.
“Okay lang, kain na lang tayo ha? Magluluto na lang ako sa bahay.” Para tipid na din, katulad na lang ng ginawa ko noong birthday ng kuya ko pero dadamihan ko ng putahe.
Ngumiti naman si Avery. “Mas okay yon, tapos inuman na lang.”
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya. “AYOKO NA UMINOM!”
Napatulala naman sila sa'kin. Kahit anong gawin nila, ayoko na talaga uminom. Kapag naaalala ko ang mga ginawa at sinabi ko noong unang uminom ako ng alak, gusto ko na namang ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lupa. Sobrang nakakahiya na wala pala akong kontrol sa sarili kapag lasing..
Unang nakarecover sa pagkatulala si Avery. “Anong ayaw mo? Grabe ka nga uminom nun, konti na lang aakalain kong nagsisinungaling ka nang sabihin mong first time mo.” saka sya tumawa ng malakas.
Ngumisi na lang ako kaysa naman sabihin ko kung anong nangyari pagkatapos di ba? “Wag na tayo uminom, hindi masarap lasa nun.”
“Bakit? May nangyari ba?” Paglingon ko kay Zeke, nakakunot ang noo nya at inililipat ang tingin mula sa’kin papunta kay Vincent na katabi ko sa kanan.