Chapter 77

11.5K 186 25
                                    

  

“This is a whole new world.” I exclaimed as I looked in Drew’s eyes.

He instantly nodded and smiled at me.

Mataas ang araw pero hindi ko pa rin maiwasang mapanganga habang nakatingala sa malalaking building na nakapalibot sa Venetian lagoon dito sa Italy. Sakay ng gondola, kapansin-pansin ang mala-palasyong laki ng bawat bahay. Iba’t iba ang kulay nito at talagang nakatungtong sa tubig habang humahampas ang tubig dahil sa pag-andar ng iba pang sasakyang pandagat na dumaraan.

“Ano to? Lumubog ang lupa na kinatatayuan ng mga building at second floor ang mga ‘to? O talagang sa tubig sila nakatayo?”

“Technically, sa kahoy at putik.”

“Kahoy?”

Tumango ulit sya. “Lagi kasing sinasakop ng mga barbarians ang lugar na tinitirhan ng mga natives dito kaya nagdesisyon silang tayuan ng mga bahay ang ilog na ‘to kahit na walang drinking water at pagtataniman ng mga crops.” Paliwanag nya. Gustong-gusto ko talaga syang tignan kapag nagkukwento na para bang kasama nya lang yung mga natives habang nagtatayo ng bahay dito. “Kumuha sila ng mga malalaking lumber at isa-isang itinayo sa putik, ibinaon hanggang sa makakapa sila ng mas firm na ground. Tapos nilang ihile-hilera ang pundasyon para sa bahay, pinatungan nila ng pahigang mga lumber pa ulit sa ibabaw nito para pantay ang magiging flooring nila at saka ulit papatungan ng marmol na pwedeng ibabad sa tubig-alat.”

Pwede na talaga syang tour guide dito. “Bakit hindi metal ang pundasyon nila? Hindi ba mas stable yon kaysa wood?”

“Pwedeng kalawangin ang metal na pundasyon dahil tubig-alat ang pinag-uusapan dito, saka hindi exposed sa air ang mga kahoy na ginamit dahil nasa ilalim ito ng tubig kaya mas malaki ang tyansang maging mas solido ang wood kasama ng muddy surface na pinagbaunan nila.”

Halos fifteen minutes na kaming naglilibot dito sa grand canal pero hindi pa rin ako nakakakita ng lupa.. puro marmol at semento sa ibabaw ng tubig hanggang sa makarating kami sa hotel na tinutuluyan namin.

Dalawang malaking kwarto na may sala at dining area na nagdurugtong dito ang nakuha namin. The room’s interior was a mixture of sharp and soft edges with a vintage feel. Gold swivels and romantic curves were embossed through the cream walls that compliment the polished wooden floor while at the middle of the room, the dark-colored chandelier was charmed with pointed glass pieces.

White, stripes of floral in grey hues and faded gold cloth were attached to the wide sofa, as well as the single-seated chair that matches the chaise lounge at the centre of the dining and living area. Beige curtains with gold vines and flowers were hung on every top-to-bottom glass windows, crippled elegantly for the sunlight to pass through our room.

Sala at dining area pa lang, mayaman na.

I let myself enter the nearest room and the place left me in awe. Plain ang white sheets sa ilalim ng grey silk bedsheet together with the pillows but I can say that the carved walls are the epitome of grandiose.

ViperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon